Sid Lucero backs out from MMFF 2016 competition committee; gets replacement

The MMFF 2016 competition committee is headed by Nicanor Tiongson (wearing white) while the members are (top row, L-R) Ping Medina, Lawrence Fajardo, Crispina Belen, Mae Paner, (bottom row, L-R) Alan Allanigue, Atty. Trixie Cruz Angeles, Alfred "Krip" Yuson and Joy Belmonte.




Bukas na, November 2 (Wednesday), ang deadline of submission ng full length film entries para sa Metro Manila Film Festival 2016, ang annual Christmas film fest sa bansa na tumatakbo nang sampung araw mula December 25.

October 31 ang unang na-declare na deadline, pero since holiday ang petsang ito ay na-move ang last day submission to November 2, nang 5:00 PM sa opisina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Guadalupe, Makati City.

(Read: Unofficial list: 25 films aiming to be MMFF 2016 entries)


May mga producers na natuwa dahil ang iba sa kanila ay mga "naghahabol" sa puyatang post production--meaning ito yung final online editing, final musical scoring, paglalapat ng sound, color grading, visual special effects (kung meron man), etc.

Natural naman dahil ang MMFF ang biggest and most popular local film festival sa bansa, at tuwing Pasko ay ang lucky Magic 8 official finalists lamang ang palabas sa mga sinehan nationwide.

Pero as early as last week, may nakarating na bali-balita sa Philippine Entertainment Portal (PEP) na pumayag ang MMFF 2016 Executive Committee na kahit na "Picture Lock" version lamang ng pelikula ay tatanggapin na nila --kahit hindi pa full, final version na siyang mapapanood ng moviegoers, na tapus na tapos na, hindi lamang ang editing ng scenes, kundi maging ang lahat ng technical aspects.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng film production term na "Picture Lock?"

Ayon sa description sa Wikipedia: "Picture lock is a stage in editing a film or editing a television production. It is the stage prior to online editing when all changes to the film or television program cut have been done and approved. It is then sent to subsequent stages in the process, such as online editing and audio mixing. Any last minute changes can force portions of subsequent work to be redone."

Kung kaya't minarapat ng author na ito na tanungin via messaging si Moira Lang, screenwriter-film producer na isa sa members ng MMFF Executive Committee, upang linawin ang nasabing isyu.

Tama ba ang nasabing internet description ng "Picture Lock"

"Mostly correct. Pero final na ang edit. Yun lang ang mali [sa description]," sagot ni Moira.

Matatandaang ang inanunsiyo ng MMFF Execom this year na CRITERIA FOR JUDGING ay:
Story, audience appeal, overall impact -- 40 %
Cinematic attributes or technical excellence -- 40 %
Global appeal --10 %
Filipino sensibility -- 10 %
Total 100%

Sabi namin, karapatan naman yun ng MMFF Execom kung may new directive na ganoon, pero tanong namin kay Moira -- papaano idya-judge ng Selection Committee ang criterion na Technical Excellence na 40% kung "Picture Lock" version lamang ang sinumiteng pelikula -- at hindi ang completed "technical aspects" ng film?

So, lumalabas na para lang pagbigyan ang mga na-late na film producers sa submissions at nangangarag sa post-production, e, pumayag silang i-adjust ang naunang rule na "finished product" to just a "Picture Lock" version?

Inamin ni Moira na totoong pumayag ang Execom sa "Picture Lock" version lamang. Pero aniya, ito nga ay malaking "risk" para sa total score ng Selection Committee, kesa sa mga producers na nag-submit ng fully finished film.

"Hi, it's true," pag-amin ni Moira. "And you make a great point.

"Those who submit their film na hindi finished ang lahat ng elements run the risk of the selection committee not fully appreciating it and favoring the really finished works.??

Idinagdag rin ni Moira na sa mga nag-submit (o magsa-submit) ng "Picture Lock" version lamang ay hindi na papayagang ma-re-edit pa ito soon, kundi ay point of disqualification raw yun.

"Hindi nila pwede galawin ang edit or madi-disqualify sila. The edit must be locked.

"No addition, deletion, lengthening, or shortening of scenes is allowed if a film makes it to the lineup of eight (8) MMFF 2016 finalists."

Sinabi pa ni Moira na isang beses lang daw nagaganap ang pagdya-judge ng Selection Committee sa bawat submitted entry, at wala nang second review or semi finalists down to Magic 8 finalists.

May ilang producers kasi ang nagrereklamo sa pagbabagong ito, dahil unfair raw sa kanilang mga nagpakahirap, nagpuyat, nag-tiyaga sa post production upang sumunod sa unang rule--noong wala pang usapin tungkol sa "Picture Lock."

"Walang semi finalists. One viewing, then decision.

"We will see. I trust the selection committee to make the fair decision.

"Banned ang Execom members from attending any of the Selection Committee screenings."

Ayon pa rin kay Moira, November 18 ang date ng official announcement ng lucky MMFF 2016 Magic 8.



NEW COMMITTEE MEMBER. From another source, nagsimula nang mag-review ng films (per batch) ang Selection Committee last week.

Noong nagkaroon ng grand launch ang MMFF 2016 noong July, na-announce na ang actor na si Sid Lucero ang isa sa mga selection committee members na mamimili ng entries this year.

Pero ayon sa Executive Director ng Metro Manila Film Fest 2016 na si Atty. Rochelle Macapili-Ona, noon lamang Sabado, October 29, ay opisyal nang nag-back out si Sid Lucero bilang isa sa Competition Committee (new name ng Selection Committee) ng MMFF.

Ito ay dahil sa work load ni Sid bilang isang aktor. Ayon pa rin kay Atty Rochelle, ang pumalit sa kanya ay ang aktor rin na si Ping Medina. Kinausap ng nasabing lawyer si Ping at tinanggap nito ang posisyon.

Ang mga bumubuo ng competition committee ng 42nd edition ng MMFF ay sina:

Ping Medina (award-winning actor), Lawrence Fajardo (writer/ director/ film editor), Mae Paner (actor/film director/ political activist), Atty. Trixie Angeles (conservationist/ legal counsel for the National Commission on Culture and the Arts), Alan Allanigue (station manager of DZRB Radyo ng Bayan), Crispina Belen (veteran journalist), Joy Belmonte (Quezon City Vice-Mayor), at Krip Yuson (writer/poet, inducted to the Hall of Fame of the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature).

Ang chairman ng Selection Committee ay si Nicanor Tiongson (author, Manunuri member and former MTRCB Chair).

Ang request ba na kahit na "picture lock" lang ang isumite ay galing sa ilang film producers addressed sa MMFF Execom at pumayag ang Execom sa nasabing request?

"Wrong info," paglilinaw niya.

"Ang nirequest ng [mainstream film] studios was another month long extension of the deadline, which the Execom flatly denied."

Ano nga ba ang naging factor sa desisyon nilang tanggapin na rin ang submission kahit na "Picture Lock" lamang?

"It was an Execom decision," simpleng sagot ni Moira.

"Dapat, yun na ang final edit ng bawat eksena at ng buong pelikula, mula simula hanggang dulo.

"Pag may dinagdag o binawas silang eksena o hinabaan o iniiksian, disqualified ito."

Papaano kung ang isang indie film ay makapasok sa Magic 8 pero wala itong financial capacity sa requirements ng isang official entry tulad ng gagastusin sa promo and publicity, float na gagamitin sa Parade of Stars, pag-print ng maraming film paraphernalia tulad ng posters, tarpaulins, etc. pag-convert to Digital Cinema Package (DCP), trailers, etc. -- madi-disqualify rin ba ito?

"I think 'pag nakapasok sa Top 8, may tutulong [na sponsors or supporters] or probably, mag-iinvest for the requirements."

So, kung anuman daw "version" ang ma-submit na film by November 2 deadline, yun ang irereview ng Selection Committee.

Samantala, ayon sa iba't ibang sources ng PEP, at least 23 filmmakers ang nag-submit ng kanilang Letter of Intent last July upang sumali sa 42nd edition ng MMFF.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN