What to expect from Vhong Navarro-starrer Mang Kepweng Returns

IMAGE From Instagram account of Gorgy Rula

Vhong Navarro (left) and Kim Domingo topbill Mang Kepweng Returns, which continues the story of the albularyo portrayed by the late Chiquito.


Ang isa sa mga naunang nag-submit ng finished movie bilang possible entry sa 2016 Metro Manila Film Festival ay ang pelikulang Mang Kepweng Returns na prinodyus ng CineKo Productions.

Ang Mang Kepweng Returns ay pinagbibidahan ni Vhong Navarro sa direksiyon si GB Sampedro.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment columnists si Direk GB sa pocket presscon para ito, nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa film fest potential na ito.

Pahayag niya, ”First time namin ni Vhong sa trabaho, although sa Astig [2009 Cinemalaya entry] noon nagkasama na kami.

“Matagal na kaming magkatrabaho ni Vhong.

“Mas madaling makatrabaho yung kaibigan mo kasi, madali kayong mag-usap.

“May plus-minus din kapag kaibigan mo.”

Dagdag pa niya, “Mahaba na ang pinagsamahan niya, e.

“Dekada na nga, e.

“Actually, nagkakilala kami ni Vhong na hindi pa kami nagkatrabaho.

“Magkapit-bahay lang kami ng studio noong nag-o-Home Boy ako, at naga-Wats Up  pa siya, dun ako nakikikape sa kanila, dun kami naging close niyan.”

(Read: Unofficial list: 25 films aiming to be MMFF 2016 entries)


Excited na parang may kaba raw si Direk GB na sa kanya naibigay ang proyektong ito.

Lalo na nga’t pang-apat na itong version ng pelikulang naging tatak na ng yumaong nang komedyante na si Chiquito.

Ang karakter na Mang Kepweng ay manggagamot o albularyo na nakilala dahil sa komiks na sikat noong 1970s.

Ani Direk GB, “Kasi nga yung expectations nang lalo na yung mga generation na nakaabot ng Mang Kepweng.

“Kung gaano nila tinangkilik noon, ini-expect nila na ganun din kaganda, o kasaya ng pelikula.

“And masarap din kasing i-introduce sila ngayon sa mga millennials, na hindi na nila inabot si Mang Kepweng.

“Maganda rin na mag-introduce ng... kumbaga, part na ‘yan ng history ng Mang Kepweng.

“History na ng Pelikulang Pilipino ‘yan, e.”

Paano nga ba niya in-update ang kuwento ng buhay ni Mang Kepweng para sa henerasyon ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Direk GB, “Ito kasing Mang Kepweng na Chiquito role, si Vhong.

“So dito, anak siya ni Mang Kepweng.

“So it’s a take off na galing dun sa Mang Kepweng na original.

“Hindi siya remake actually nung Mang Kepweng.

Sa puntong ito ay ipinaliwanag niya kung totoo nga bang first choice talaga si Vhong para sa role na ito?

“Kung sa ano, meron kaming pinag-usapang pangalan.

“Pero, nung dumating yung pangalan ni Vhong doon sa usapan, nakita ng grupo na, ‘O, okay si Vhong.’

“So yun, kinontak nila si Vhong.

“First choice nga siya.”

Kilala si Vhong sa character ni Mr. Suave dahil sa hot movie nitong Mr. Suave noong 2003.

Paano niya inihiwalay ito kay Vhong upang mas makilala siya ngayon bilang si Mang Kepweng?

Ani ni Direk, “Actually, nag-uusap kami ni Vhong.

“We made sure that Mang Kepweng is another character.

“Hindi masasabi na, ‘E, ginawa mo na ‘yan sa Mr. Suave.’

“Andun talaga yung attempt namin na ibahin yung character niya, na parang tingin sa kanya ng tao ay si Mang Kepweng at hindi si Mr. Suave.”

Bida rin sa Mang Kepweng Returns sina Kim Domingo, Jaclyn Jose, at James Blanco.


???????? #MangKepwengReturns Day8 with Ms.Jaclyn jose and James blanco

A photo posted by Vhong Navarro (@vhongx44) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN