Khalil Ramos on his gay-themed movie: "May sexual tension."

IMAGE Noel Orsal

Khalil Ramos (in photo) co-stars with Hashtag member Jameson Blake and Ethan Salvador for the gay-themed movie 2 Cool 2 Be 4gotten.



Aminado ang ABS-CBN actor na si Khalil Ramos na umaasa rin siya na manalo sa awards night ng Cinema One Originals Film Festival 2016, na gaganapin sa November 20 sa Dolphy Theater.

Nominado siya bilang Best Actor para sa kanyang bida role sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten, na isa sa pitong entries sa Narrative Feature Category.

“Sana. Naibigay ko naman yung best ko, yung 100 percent ko sa pelikula. Kung nagustuhan ng jury at they decided to give me the award, I’ll be thankful siyempre. I wouldn’t expect much kasi mabibigat at magagaling din ang mga kalaban ko like sina Allen Dizon, JC de Vera, Rhap Fernandez. Pero I’m hoping,” sabi ni Khalil.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil sa opening night ng 12th edition ng Cinema One Originals na ginanap noong Nobyembre 13 sa Trinoma.

FIRST GAY-THEMED MOVIE. Masaya si Khalil dahil first time niyang magkaroon ng entry sa Cinema One Originals at siya pa ang bida. Challenging para sa aktor ang pagsabak niya sa kanyang kauna-unahang gay-themed movie, ang 2 Cool 2 Be 4gotten, sa ilalim ng direksyon ni Petersen Vargas.

“For me it’s challenging since first time nga. Masaya naman [ang experience ko]. The story revolves around a high school student na anti-social siya, wala siyang kaibigan. Bigla siyang may na-meet na dalawang Fil-Am at nagbago bigla yung buhay niya. Umabot sa point na kinukuwestiyon niya yung gender niya. Confused talaga siya, sobra,” ani Khalil.

Nag-enjoy naman siya sa paggawa ng pelikulang ito.

“Working with Direk Petersen was a very good experience, also working with the whole cast and crew. Kinukuha niya yung creative inputs namin which is very nice. So talagang naramdaman namin na nag-contribute kami sa film.”

Kasama ni Khalil sa 2 Cool 2 Be 4gotten ang mga baguhang aktor na sina Jameson Blake (Hashtag member) at Ethan Salvador, na gumanap bilang dalawang Fil-Am. May intimate at sensitive scenes daw si Khalil sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron mga sensitive scenes. Pero hindi naman extreme, hindi naman sobrang extreme. Pero yeah may sexual tension.”






NO HESITATIONS ABOUT THE ROLE. Hindi nag-alangan at nagdalawang-isip si Khalil na tanggapin ang gay role na ito dahil secured naman daw siya sa kanyang pagkalalaki. Kasama rin daw niya ang kanyang handler sa Star Magic nang basahin nila ang script.

Kuwento ng former Pilipinas Got Talent Season 3 contestant, “Kasi ang process nun, ibibigay yung script tapos sabay kami magbabasa ng handler ko. So, bale siya yung point of view niya as a handler na kung ano yung bawal, kung okay ba sa career ko, kung ano yung ganun. So, wala naman siyang nasabing masama sa script, kaya tinanggap namin.”

Bukod sa 2 Cool 2 Be 4gotten, kabilang din sa entries sa Narrative Feature Category ang Lily (directed by Keith Deligero; starring Shaina Magdayao at Rocky Salumbides), Every Room Is A Planet (directed by Malay Javier; starring Rhap Fernandez, Valeen Montenegro at Antoinette Taus), Baka Bukas (directed by Samantha Lee; starring Jasmine Curtis-Smith at Louise delos Reyes), Si Magdalola at ang mga Gago (directed by Jules Katanyag; starring Peewee O’Hara, Rhen Escano, Gio Gahol at Josh Bulot), Malinak Ya Labi (directed by Jose Abdel Langit; starring Angeline Quinto, Allen Dizon at Richard Quan), at Tisay (directed by Borgy Torre; starring Nathalie Hart, JC De Vera at Joel Torre).

Ang tatlong full-length documentaries in competition naman ay ang Forbidden Memory by Teng Mangansakan, Piding by Gym Lumbera and Paolo Picones, at People Power Bombshell: The Diary of Vietnam Rose by John Torres.

Ang Cinema One Originals ay mapapanood hanggang November 22, 2016. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills, at Cinematheque sa Kalaw, Manila.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN