JC Santos-Bela Padilla starrer 100 Tula Para Kay Stella grosses P95 million in one week

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla frequently teases her leading man JC Santos about their initial meeting. "Okay na ba tayo, JC? Okay na ba ako sa iyo?" she would ask him while shooting.



Inamin ni JC Santos sa isang panayam na crush niya si Bela Padilla, kaya katuparan ng isang pangarap niya na makasama ang dalaga sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films.

Ang nasabing pelikula ay isa sa entries sa 2017 Pista Ng Pelikulang Pilipino. Ang movie nila ang isa sa 3 movies na nagkaroon ng extended regular run sa mga sinehan.

Bukod sa 100 Tula Para Kay Stella, ang dalawang pelikula ay ang Patay Na Si Hesus at Bar Boys. 

Ang romance movie na ito ay nanalo rin ng Audience Choice Award sa thanksgiving event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

(Read: Pista ng Pelikulang Pilipino entries earn P127 million in six days; three entries get regular run)
 

Nang makapanayam namin si Bela sa Viva office, tinanong namin siya kung ano ang reaction niya na crush siya ng kanyang leading man.

Natatawang sagot ni Bela, "Naku, 'yan po si JC kung anu-ano ang nasa isip niyan.

"Ganyan po talaga siya.

"Actually, inamin naman niya sa akin.

“First shooting pa lang na kinakabahan nga raw siya, dahil ang tagal na raw niyang nire-request na maka-trabaho din [ako].

"So na-flatter din ako siyempre bilang babae,” wika ni Bela.

Dagdag pa nito, "Ako din naman,  kapag tinatanong ako kung sino ang gusto kong maka-trabaho, nasa listahan ko si JC."

FIRST IMPRESSION. Hindi raw naging maganda ang unang meeting nila ng young actor bago pa man nila simulan ang nasabing proyekto.

Pagbabalik-tanaw ng Viva actress, "Nung una ko siyang ma-meet, sinupladuhan niya ako.

"Kaya nga, sabi ko, 'Hmp, baka di naman niya ako masyadong trip makatrabaho.'

"Alam niya 'yan, hindi ko talaga pinapakalimot sa kanya.

"Every shooting, sabi ko sa kanya, 'Okay na ba tayo, JC? Okay na ba ako sa iyo?'” sabay tawa ng ABS-CBN actress.

"Wala, niloloko ko lang siya, pero siya, hiyang-hiya siya palagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, "Nag-meet kami kasi sa Tonight With Boy Abunda, tapos pinakilala kami.

"I mean, kilala ko na siya, pero first time na ipinakilala kami.

"Sobrang happy ko pa na finally mami-meet ko na siya, kasi nga taga-theater at marami rin akong kaibigan sa theater,” lahad ni Bela.

"So sabi ko, ‘Hi, JC!' as in super-hi pa ako sa kanya.

"Sabi lang niya, 'Hi, Bela.' Sabi ko, 'Huh, suplado.'

"Parang ako pa nga ang na-intimidate after.”

Dahil sa naganap, nagduda raw ang aktres kung totoo ngang nais talaga siyang makatrabaho ng binata.

Gumawa ba ng hakbang si JC upang makabawi sa kanya?

Nakangiting sagot ng 26-year-old actress, "No, hindi naman kailangan.

"Nagbibiro lang naman po ako.

"Nilloloko ko din siya, para din ma-break yung ice kasi sa first day, pareho kaming sobrang kabado.

"Dati, nahihiya siya, tapos natatawa na lang siya, pero feeling ko sa susunod ay maiinis na siya kasi araw-araw ko nga siyang niloloko.

Dugtong pa ni Bela, pareho raw sila na JC na may personal space issues.

"Yung parehong ayaw naming masyadong malapit kapag nag-uusap," paliwanag niya.

Ganun pa man, ngayon daw ay itinuturing na ni Bela na isa sa malalapit niyang showbiz friends si JC.

Aniya, "I consider JC now as one of my good friends in showbiz.

"Kasi konti lang naman din, hindi rin ako palalabas.

"So basically, ang mga kaibigan ko ay yung mga nakakatrabaho ko lang din.

"Chika na kami, sobrang okay na kami,” pahayag ng dalaga.

Ang 100 Tula Para Kay Stella ay isinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana. Hango raw ang kwento sa isang karanasan ng direktor.



Stories We Are Tracking

REVIEW: JC Santos, Bela Padilla in 100 Tula Para Kay Stella
REVIEW: JC Santos, Bela Padilla in 100 Tula Para Kay Stella
Pista earns P127 million in 6 days; 3 films get regular run
Pista earns P127 million in 6 days; 3 films get regular run
Here are winners of prizes in Pista ng Pelikulang Pilipino
Here are winners of prizes in Pista ng Pelikulang Pilipino
Why Nora entry backed out from Pista ng Pelikulang Pilipino
Why Nora entry backed out from Pista ng Pelikulang Pilipino









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN