Vilma Santos, Claudine Barretto recreate Anak poster

IMAGE Star Cinema / Instagram

Claudine Barretto posts on Instagram her bonding moment with Lipa City Representative Vilma Santos, who played her mother in the 2000 blockbuster film Anak.


Nagkaroon ng mini-reunion ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ang tinaguriang The Optimum Star na si Claudine Barretto.

Gumanap na mag-ina ang dalawa sa 2000 blockbuster film na Anak.

Base sa mga larawang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account, nagkasama sila ni Vilma sa Lipa, Batangas, kung saan nakatira at naninilbihan bilang representative ang Star For All Seasons.

Sa isang larawan ay ginaya pa nina Vilma at Claudine ang pose nila sa movie poster ng Anak.

Caption ni Claudine sa kanyang post, “Learned so much from this woman who is full of wisdom. Thank you so much Ate.”

Base rin sa mga Instagram post ni Claudine, 39, dalawang araw siyang nakipag-bonding ka Vilma, 64.

View this post on Instagram

Day 2 with my NANAY IDOL at Lipa Batangas earlier today ?????????? @carla_valeroso @vilmasantosrecto #vilmaniansko

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Ang pelikulang Anak ang nagbigay kay Vilma ng Best Actress awards mula sa Star Awards for Movies noong 2001, gayundin sa Gawad Sineng-Sine PASADO Awards (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro).

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN