Nagkaroon ng mini-reunion ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ang tinaguriang The Optimum Star na si Claudine Barretto.
Gumanap na mag-ina ang dalawa sa 2000 blockbuster film na Anak.
Base sa mga larawang ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account, nagkasama sila ni Vilma sa Lipa, Batangas, kung saan nakatira at naninilbihan bilang representative ang Star For All Seasons.
Sa isang larawan ay ginaya pa nina Vilma at Claudine ang pose nila sa movie poster ng Anak.
Caption ni Claudine sa kanyang post, “Learned so much from this woman who is full of wisdom. Thank you so much Ate.”
Base rin sa mga Instagram post ni Claudine, 39, dalawang araw siyang nakipag-bonding ka Vilma, 64.
Ang Pinoy OFW movie na Anak ang nagbigay kay Vilma ng Best Actress awards mula sa Star Awards for Movies noong 2001, gayundin sa Gawad Sineng-Sine PASADO Awards (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro).
