Tony Labrusca on Glorious love scenes: "All around the world, malibog talaga mga tao."

IMAGE Noel Orsal / Glorious trailer

Tony Labrusca on comments of netizens about his "tongue" scene with Angel Aquino in Glorious: "Honestly, hindi naman po ako nababastos sa mga sinasabi nila so I'm just happy na nagsu-support po sila."



Hindi inakala ni Tony Labrusca na magiging ganito kainit ang pagtanggap sa trailer ng ABS-CBN digital film niyang Glorious.

At press time, may 9 million views na sa Facebook ang trailer ng pelikula nina Tony at Angel Aquino, kunsaan makikita sila sa mga mapangahas na love scenes.

Sabi ni Tony sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kanina, November 6, "Guys, gusto ko lang pong sabihin na pati ako, hindi ko po kinaya at shookt din ako!"

Ayon sa ibang comments ng netizens, "intense" daw ang mga eksenang ginawa ni Tony at Angel na ipinakita sa trailer.

Kasama na rito ang isang eksena kunsaan may French kiss ang dalawa.

Ano naman ang take ni Tony tungkol sa mga eksenang nagawa nila?

Nakangiti niyang sinabi, "Alam niyo, I wanna say this, feeling ko lahat ng Filipino is actually malibog po. So normal po yun, kaya I don't think it's intense.

"I think it's normal, everybody does that.

"I think that's what the director wanted to portray and it sounds weird pero I just want to get that out of my chest, I want people to be used to hearing that kasi, guys, normal lang po siya.

"It's normal, all around the world, malibog talaga mga tao. That's how we're made unless asexual ka, I guess."

Si Connie Macatuno ang direktor ng Glorious.

Ano naman ang masasabi niya sa mga comments ng mga netizens tungkol sa kanya?

"I just wanted to say na thank you so much for the positive feedback and I'm really happy that everyone appreciates it and I'm just so grateful for the response.

"Honestly, hindi naman po ako nababastos sa mga sinasabi nila so I'm just happy na nagsu-support po sila."

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Tony sa press conference ng Cinemalaya 2018 movie na ML kanina, November 6, sa Limbaga 77 Restaurant, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon ng theatrical release ang ML na magsisimula bukas, November 7.

TONY ON OLDER WOMEN

Ang Glorious ang unang pagkakataong nakatrabaho ni Tony si Angel.

Aminado ang 23-year-old actor-singer na nagkaroon ng awkward stage ang pagtatrabaho nila bilang magkapareha.

Paano nawala ito?

"It took a while, but me and Angel had just so much respect for each other.

"I mean I have so much respect for Angel and she is just a lovely person to work with.

"I'm very, very lucky and thankful na siya yung partner ko."

Kasama rin daw sa kanyang preparasyon para sa mga eksena ang pag-get over ng awkwardness sa pagitan nila.

"We both just have a sense of respect for each other. I was very shy and I was honest with her about how I felt and we just try to help each other out."

Nakatakdang ipalabas ang Glorious sa ABS-CBN digital platform na iWant simula November 17.


Stories We Are Tracking

Angel-Tony Labrusca tongue scene sparks funny reactions
Angel-Tony Labrusca tongue scene sparks funny reactions






ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN