Sherwin Ordoñez drops wholesome image and trousers in "Kurap"


"Very mature na angrole ko rito. Hindi lang ako nakipag-love scene sa babae, pati sa kapwa kolalaki. Pinaghandaan ko talaga," says dancer turned actor Sherwin Ordoñez of his role in the indie movie "Kurap."



Inabutan na si Sherwin Ordoñez ng kunganu-anong pagbabago sa kanyang personal na buhay. Pero masasabing hindipa rin nakaabante ang career niya mula nang siya'y mag-artista.

Nagsimula si Sherwin bilang miyembro ngall-male dance group na Abztract Dancers, na siya ring pinanggalingan ninaDingdong Dantes at Dino Guevarra. Pagkatapos nito ay pinasok na niya angpag-aartista sa pamamagitan ng GMA-7 youth-oriented drama show na Click.

In fairness sa Kapuso network, binigyan naman siya ng sapatna exposure noon. Kabilang na rito ang action series na Pintados at ang dramaseries na pinagbidahan noon ni Angelika dela Cruz, Ikaw Lang ang Mamahalin.Nakasama rin siya sa Nuts Entertainment at sa afternoon soapna Kaputol ng Isang Awit.

Ngayon ay isang malaking hakbang ang ginawa ni Sherwin sapag-asang uusad muli ang kanyang showbiz career. Tinanggap niya ang role ngisang small-time pickpocket na napasok sa mundo ng cybersex sa indie film naKurap.

"Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction ngmga taga-GMA-7 sa ginawa ko sa Kurap," simula ni Shewrin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Very mature na angrole ko rito. Hindi lang ako nakipag-love scene sa babae, pati sa kapwa kolalaki. Pinaghandaan ko talaga.

"I'm not expecting that GMA-7 will pay attention, perotama na itong sinubukan kong mapaiba. Magpe-pay off din ito. Kung hindi man sanetwork, sa iba pang pupuwedeng magawa ko as an actor.

Sariling sikap ang ginagawa ni Sherwin, kung tutuusin. Ayawna niyang basta dumipende na lang sa GMA Artist Center, ang kinabibilanganniyang talent management. Ang direktor niyang si Ronaldo Bertubin, na siyangnagdirek ng Kurap, ang nag-impluwensiya sa kanya to make acareer move.

"Nakatrabaho ko kasi siya sa teatro," sabi niSherwin tungkol sa kanyang direktor. "At least, may mga taong tumutulongsa akin. Hindi ako naligaw ng landas. Okey yung mga nasamahan ko. Hindi akonapariwara. Heto nga, may business ako kahit paano, itong Ewong's, maliit nabar lang sa Bayview Park."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Ewong, palayaw ni Sherwin, dahil kahit bahagyana lang ang TV exposures niya, nakaka-survive pa rin siya dahil sa passion niyasa teatro, at ngayon ay sa indie films.

"First time kong gumawa ng pelikula, 'tapos daringpa," ani Sherwin. "Naririto na ang lahat, kaya dapat na ibigay ko na rin anglahat ng nararapat."

Ngayon nga raw, "open" na si Shewrin sa indecent proposals.Ito ang naging biro sa kanya pagkatapos na kumalat ang kanyang sexy photos saInternet.

"Marami na talagang nagku-comment ng kung anu-ano!"natatawang sabi ni Sherwin. "Bigla na lang nilang nalalaman yung numberko. Nagtatanong yung iba kung magkanoba, kung puwede kong samahan si ganito o ganyan.

"Sasamahan ko lang, ganito raw ang budget. Siyempre,tinatanong ko kung ano ang gagawin. Sabi naman, sasamahan ko lang. ‘Ah, ganoon?Sasamahan lang?' Okey lang kung wala naman palang gagawin kung hindi sasamahanlang."

Paano kung may iba pang ipagagawa sa kanya bukod dun?

"E, di tingnan na lang natin kung ano'ngmangyayari," sabi ni Sherwin.

Pero hindi na kailangan ni Sherwin na mag-put up ng frontpara lang sa image. Aminado naman siyang may dalawa na siyang anak sa kanyanglive-in partner.

"Maski paano, dapat may limitasyon pa rin!" natawasi Sherwin sa sinabi niya. "Parang yung ibang young stars, like Iwa Motoand Katrina Halili, pinasok nila ang ganoong pagpapa-sexy, kaya dapat marunongsilang makibagay at makisakay. Ganoon din lang ang ginagawa ko. Sakyan na lang yungtrip nila.

"Nandito na ako sa pagpapa-sexy, at saka pa ba ako babalik oaatras? Panindigan na lang," pagtatapos ni Sherwin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN