PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sherwin Ordoñez drops wholesome image and trousers in "Kurap"

Sherwin is now "open" to indecent proposals.
by Archie de Calma
Published Nov 10, 2008
"Very mature na ang role ko rito. Hindi lang ako nakipag-love scene sa babae, pati sa kapwa ko lalaki. Pinaghandaan ko talaga," says dancer turned actor Sherwin Ordoñez of his role in the indie movie "Kurap."

Inabutan na si Sherwin Ordoñez ng kung anu-anong pagbabago sa kanyang personal na buhay. Pero masasabing hindi pa rin nakaabante ang career niya mula nang siya'y mag-artista.

Nagsimula si Sherwin bilang miyembro ng all-male dance group na Abztract Dancers, na siya ring pinanggalingan nina Dingdong Dantes at Dino Guevarra. Pagkatapos nito ay pinasok na niya ang pag-aartista sa pamamagitan ng GMA-7 youth-oriented drama show na Click.

In fairness sa Kapuso network, binigyan naman siya ng sapat na exposure noon. Kabilang na rito ang action series na Pintados at ang drama series na pinagbidahan noon ni Angelika dela Cruz, Ikaw Lang ang Mamahalin. Nakasama rin siya sa Nuts Entertainment at sa afternoon soap na Kaputol ng Isang Awit.

Ngayon ay isang malaking hakbang ang ginawa ni Sherwin sa pag-asang uusad muli ang kanyang showbiz career. Tinanggap niya ang role ng isang small-time pickpocket na napasok sa mundo ng cybersex sa indie film na Kurap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction ng mga taga-GMA-7 sa ginawa ko sa Kurap," simula ni Shewrin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Very mature na ang role ko rito. Hindi lang ako nakipag-love scene sa babae, pati sa kapwa ko lalaki. Pinaghandaan ko talaga.

"I'm not expecting that GMA-7 will pay attention, pero tama na itong sinubukan kong mapaiba. Magpe-pay off din ito. Kung hindi man sa network, sa iba pang pupuwedeng magawa ko as an actor.

Sariling sikap ang ginagawa ni Sherwin, kung tutuusin. Ayaw na niyang basta dumipende na lang sa GMA Artist Center, ang kinabibilangan niyang talent management. Ang direktor niyang si Ronaldo Bertubin, na siyang nagdirek ng Kurap, ang nag-impluwensiya sa kanya to make a career move.

"Nakatrabaho ko kasi siya sa teatro," sabi ni Sherwin tungkol sa kanyang direktor. "At least, may mga taong tumutulong sa akin. Hindi ako naligaw ng landas. Okey yung mga nasamahan ko. Hindi ako napariwara. Heto nga, may business ako kahit paano, itong Ewong's, maliit na bar lang sa Bayview Park."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natutuwa si Ewong, palayaw ni Sherwin, dahil kahit bahagya na lang ang TV exposures niya, nakaka-survive pa rin siya dahil sa passion niya sa teatro, at ngayon ay sa indie films.

"First time kong gumawa ng pelikula, 'tapos daring pa," ani Sherwin. "Naririto na ang lahat, kaya dapat na ibigay ko na rin ang lahat ng nararapat."

Ngayon nga raw, "open" na si Shewrin sa indecent proposals. Ito ang naging biro sa kanya pagkatapos na kumalat ang kanyang sexy photos sa Internet.

"Marami na talagang nagku-comment ng kung anu-ano!" natatawang sabi ni Sherwin. "Bigla na lang nilang nalalaman yung number ko. Nagtatanong yung iba kung magkano ba, kung puwede kong samahan si ganito o ganyan.

"Sasamahan ko lang, ganito raw ang budget. Siyempre, tinatanong ko kung ano ang gagawin. Sabi naman, sasamahan ko lang. ‘Ah, ganoon? Sasamahan lang?' Okey lang kung wala naman palang gagawin kung hindi sasamahan lang."

Paano kung may iba pang ipagagawa sa kanya bukod dun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, di tingnan na lang natin kung ano'ng mangyayari," sabi ni Sherwin.

Pero hindi na kailangan ni Sherwin na mag-put up ng front para lang sa image. Aminado naman siyang may dalawa na siyang anak sa kanyang live-in partner.

"Maski paano, dapat may limitasyon pa rin!" natawa si Sherwin sa sinabi niya. "Parang yung ibang young stars, like Iwa Moto and Katrina Halili, pinasok nila ang ganoong pagpapa-sexy, kaya dapat marunong silang makibagay at makisakay. Ganoon din lang ang ginagawa ko. Sakyan na lang yung trip nila.

"Nandito na ako sa pagpapa-sexy, at saka pa ba ako babalik o aatras? Panindigan na lang," pagtatapos ni Sherwin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Very mature na ang role ko rito. Hindi lang ako nakipag-love scene sa babae, pati sa kapwa ko lalaki. Pinaghandaan ko talaga," says dancer turned actor Sherwin Ordoñez of his role in the indie movie "Kurap."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results