Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Janice de Belen returns to the big screen via Last Viewing

by Nora Calderon
Jul 23, 2009
In her comebacking film Last Viewing, Janice de Belen portrays a creamatory supervisor named Laura. She acts and feels like a corpse while doing her job burning flesh and grinding bones and uttering those emotionless phrase "Last viewing" before any cremation process. Her daughter Heidi is a six-year-old autistic girl with the mind of a two-year-old. This indie film will have its regular run in selected cinemas starting August 5, 2009.

Huling napanood si Janice de Belen sa 2004 na pelikula ni Jolina Magdangal titled Annie Batungbakal. Ngayong 2009, balik-acting sa movie si Janice de Belen sa kanyang first indie film, ang The Last Viewing.

Sa presscon ng indie film sa Kaboom Restaurant, Timog Avenue last July 21, tinanong ng press si Janice kung hindi ba siya nag-second thought na tanggapin ang offer. "Slight lang, kasi indie, baka bold," natatawang wika ni Janice. "Saka baka hindi na ako marunong mag-memorize ng lines, baka hindi na ako marunong umiyak. Ipinaalam ko muna ito sa mga anak ko, natuwa pa sila, at least daw makikita na nila akong umaarte sa movie kasi sa TV lang daw nila ako napapanood."

Bakit niya tinanggap ang offer ng Davis Entertainment Productions?

"Nagandahan ako sa story na ikinuwento sa akin ni Direk Ronaldo Bertubin sa telepono. Tinanong lamang niya ako kung takot ako sa patay, sabi ko hindi. Role kasi ng isang crematory supervisor ang role ko. Isang experience sa akin iyon, kasi nga nag-shooting kami sa crematory. Sanay na sanay na sila sa ginagawa nila at kailangan ganoon din ang maging emosyon ko, iyong parang wala lang ang ginagawa namin.

Continue reading below ↓


"Dramatic ang movie na tungkol sa isang ina na may anak na autistic na nawalay sa kanya habang namimili siya sa isang siksikang ‘tiangge' at pagkalipas ng apat na taon, saka lamang niya natagpuan sa isang kakatwang sitwasyon."

Laura ang pangalan ng karate ni Janice sa pelikulang ito na idinerehe ni Ronnie Bertubin. Bilang crematory supervisor, siya ang nagsasabi ng emotionless phrase na "Last viewing" bago -i-cremate ang isang katawan.

Ang kanyang anak dito ay si Heidi, isang six-year-old autistic child na may isip ng isang two-year-old.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Kasama rin ni Janice sa indie film si Tommy Abuel bilang may-ari ng crematorium. Si Leandro Baldemor na matagal-tagal ding nagpahinga sa pag-aartista, ay may crush kay Janice na boss niya sa crematorium.


"Akala ko nga, leading man ko si Leandro," sabi ni Janice. "Hindi pala, tauhan ko lamang siya sa trabaho."

Si Sherwin Ordoñez naman ay ilang indie film na ang nagawa pero happy siya na nakatrabaho niya for the first time si Janice.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Sherwin: "Gaganap po kaming magkapatid ni Janice. Magkasama kaming naghahanap sa nawawala niyang anak at four years pa bago namin siya natagpuan."


Sa trailer ng The Last Viewing may iki-cremate na patay, pero ayaw sabihin nina Janice, Leandro at Sherwin kung sino iyon, secret daw muna.


Nasa cast din si Angel Jacob at ang child actresscommercial model na si Maro Panganiban. Executive producer ng movie si Liza Davis.

Sa July 28, may premiere showing ang indie film sa SM Megamall Cinema 6 at ang regular showing nito ay sa August 5 sa mga selected cinemas in Metro Manila.


Last Viewing (2009)

Cast: Janice de Belen, Sherwin Ordonez, Leandro Baldemor, Maro Panganiban, Angel Jacob with the special participation of Tommy Abuel

Director: Ronaldo Bertubin (director of Sikil, Kurap and Lovebirds)

Screenwriter: Romualdo Avellanosa

Executive Producer: Lisa Davis (Davis Entertainment Productions)

Producer: Ferdinand Lapuz, Antonio de Guzman Jr and Olivia Madrigal

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Janice de Belen, indie
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her comebacking film Last Viewing, Janice de Belen portrays a creamatory supervisor named Laura. She acts and feels like a corpse while doing her job burning flesh and grinding bones and uttering those emotionless phrase "Last viewing" before any cremation process. Her daughter Heidi is a six-year-old autistic girl with the mind of a two-year-old. This indie film will have its regular run in selected cinemas starting August 5, 2009.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results