Kakatapos lang ng 30th anniversary concert ng “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano nitong nakaraang Biyernes at Sabado, April 11-12, sa Araneta Coliseum. Ang anak ni Gary V na si Paolo ang nag-co-direct ng kanyang pinakamalaking concert titled Arise Gary V 3.0.
Kabilang sa mga guests ni Gary V sa concert niya ang ang singer-actor na si Sam Concepcion. Sa panayam ng press kay Paolo sa press conference para sa concert, sinabi nito na si Sam na nga ang nakikita niyang susunod sa yapak ng kanyang ama kaya naman naimbitahan nila ito na mag-perform para sa Arise concert.
(To view photos during the concert, CLICK HERE)
Ani Paolo, “Sam Concepcion, who we know as the most underrated performer in the country today.
“We felt na, even my dad also feels na Sam Concepcion is the next Gary V.
“So parang we wanted to showcase what Sam Concepcion can do.”
Dahil dito, ang performance ni Sam Concepcion ng kantang “Sa Yahweh” kasama si Gary V ay isa sa ginawang highlight ng concert.
Kuwento pa ni Paolo, “We have other ideas kasi for Sam Concepcion but after what I saw, he could do sa concert niya sa Music Museum, sabi ko we need to highlight what Sam Concepcion can do.”
Si Paolo rin ang nag-direct ng solo concert ni Sam Concepcion sa Music Museum nitong nakaraang March 15.
“THE NEXT GARY V.” Malaki ang tiwala ni Paolo sa talento ni Sam at siya na nga raw ang isa sa dapat pakaabangan sa OPM scene.
Ani Paolo, “I keep on telling Sam, ‘You have something that I’ve only seen in my dad.’
“I told him, ‘You are going to shine.’
“This is very hipster of me pero I wanna say that I’m the director that believed in him when he wasn’t popular, yet.
“That I believed in Sam Concepcion before he was cool.
“That’s why I wanted Sam Concepcion.”
Ngunit isa sa ikinadidismaya ni Paolo ay hindi masyadong nabibigyan ang young singer ng pagkakataon na maibahagi ang kanyang talento.
Paliwanag niya, “Kasi sa ASAP for example, Sam doesn’t even sing his own song sa ASAP.
“Yung mga hits niya, he has a song, yung ‘Dati’ which has 7 million hits on Youtube hindi pa niya 'ata kinakanta yun sa ASAP.
“Somebody else sang his songs and that affected Sam in a way na parang yung show niya sa Music Museum.”
Dahil sa pangyayaring ito, hindi raw naging komportable si Sam na kantahin ang kanyang mga original songs.
Ani Paolo, “Sam felt uncomfortable because I wanted him to do his originals.
“Sabi ko, ‘Wag ka na mag-cover. I mean do some covers but the concert has to be about you.’
“And the guy was very insecure because he didn’t know na yung mga fans niya would like to hear him sing his songs.
“So that’s why we chose Sam Concepcion because we feel this guy needs to be the next, he deserves to be the next big thing in the country.”
Ikinagulat daw ng young singer na maraming nakakaalam ng mga original songs nang kantahin niya ito sa kanyang concert.
Kuwento ni Paolo, “When he started singing songs from his album, nagulat siya.
“I saw it on stage that nagulat siya kasi lahat ng mga fans niya… yung mga songs na hindi niya kinakanta sa mga mall shows alam ng tao.”
Bukod kay Sam, gusto rin sana nilang isama sa guest line-up ang The Voice of the Philippines coach na si Bamboo Mañalac.
Ayon kay Paolo, “Bamboo is a very good friend of the family.
“He was really one of the people we were eyeing for the show.
“But Tito Martin [Nievera] guested Bamboo and he has done a lot of concerts also.”
Kaya naman ang dating frontman ng bandang Rivermaya na si Rico Blanco ang kinuha nila.
Paliwanag ni Paolo, “Sabi ko, ‘as a huge Rivermaya fan, why not try something different? Why don’t we get Rico Blanco?’
“How many concerts ang alam niyo na si Rico Blanco yung guest?”
(To learn more about Sam Concepcion's concert at the Music Museum, CLICK HERE)
