PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

True Faith admits to talking about possible disbandment

True Faith brings back '80s, '90s music in 11th album.
by Jojo Gabinete
Published Jun 8, 2022
true faith 11 album
True Faith on bringing back the '80s and '90s music to their latest album, 11: “Yung kids ngayon, nakikinig sa ‘80s at ‘90s [music], lalo na sa '80s dahil diyan talaga nag-boom ang electronic sound. Sobrang kumapit siya, like even yung pop culture, yung popularity ng Stranger Things, a part of the popularity there is pagsama ng ‘80s music."
PHOTO/S: Viva Records

Hindi itinanggi ng mga miyembro ng True Faith na pumasok sa mga isip nilang baka ang 11 ang kanilang huling album.

Bukod sa epekto ng coronavirus pandemic sa live music industry, dalawa sa mga miyembro ng banda ang nagpasyang manirahan na sa ibang bansa.

Noong March 31, 2019 ay pumanaw ang kanilang foundin member na si Ferdie Marquez.

Read: True Faith founding member Ferdie Marquez passes away

Nagkuwento ang True Faith lead singer na si Medwin Marfil tungkol sa napag-usapan nilang hindi na matutuloy dahil nangibabaw ang kanilang pagmamahal sa musika at bandang itinatag noong 1991.

Lahad ni Medwin, “Talagang napag-usapan… Napaisip lang ako kasi nung nangyari yung pandemic, 'Parang kailan kaya makakabangon yung industriya namin?'

“I was referring to the live gigs, the live music industry. So, parang napaisip yung ibang mga kasamahan namin.

“There was a time na, 'Ano ba ito? Lalabas yung 11 album. Ito na ba yung sinasabi na parang the 11th hour na baka mamaya tapos na?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami pang ibang factors na parang nag-isip kami na this could be the last, but I always go back to what we have talked about together as a band.

“Parang puso lang ni Celine Dion ito, our hearts will go on.

“If there’s one thing I want for True Faith, it’s really to continue, so I don’t think that this would be the last.”

Ang 11 album ang alay nila sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang mga awit.

11 ang piniling pamagat ng True Faith ng kanilang bagong album sa Viva Records dahil ito ang panglabing-isang album nila sa loob ng tatlong dekada.

Ang "Dyahe," ang electro-pop tinged na "Your Ready Smile," "Refriend," "Muli," "Go Ka Na," at "Tulala" ang mga kantang nilalaman ng 11.

Magpapaalaala ito sa lahat ng mga hit song ng True Faith noong dekada ’90 gaya ng “Perfect,” “Everything She Wore,” “Huwag Na Lang Kaya,” “Dahil Ikaw,” “Kung Okay Lang Sa’yo,” at “Yun Lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa True Faith, ‘80s at '90s music ang tunog ng mga kanta nila sa 11 dahil ito ang pinakikinggan ng mga kabataan ngayon.

“Yung kids ngayon, nakikinig sa ‘80s at ‘90s [music], lalo na sa '80s dahil diyan talaga nag-boom ang electronic sound.

“Sobrang kumapit siya, like even yung pop culture, yung popularity ng Stranger Things, a part of the popularity there is pagsama ng ‘80s music.

“Yung musical score ng Stranger Things is very ‘80s and a lot of the bands na ina-idolize ng mga bata ngayon, even from way back 2000, talagang influences ng ‘80s.

“The 1980s was the decade that pushed electronic music to the forefront.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
True Faith on bringing back the '80s and '90s music to their latest album, 11: “Yung kids ngayon, nakikinig sa ‘80s at ‘90s [music], lalo na sa '80s dahil diyan talaga nag-boom ang electronic sound. Sobrang kumapit siya, like even yung pop culture, yung popularity ng Stranger Things, a part of the popularity there is pagsama ng ‘80s music."
PHOTO/S: Viva Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results