True Faith founding member Ferdie Marquez passes away

IMAGE Courtesy of Ferdinand Marquez on Facebook

Ferdie Marquez, founding member of iconic Pinoy band True Faith, passed away due to heart attack. His former band mate, Medwin Marfil, announced the news via a Facebook post earlier today, March 31.


Sumakabilang-buhay na ang composer na si Ferdie Marquez, isa sa mga founding members ng bandang True Faith.

Ngayong araw, March 31, ibinahagi ni Medwin Marfil, isa sa mga kabanda ni Ferdie, ang tungkol sa pagpanaw nito isa isang Facebook post.

Sulat nito, "It is with a heavy heart that I share the sad news of (Truefaith original member) Ferdinand Marquez’s passing.

"Ferdz formed Truefaith with me and Francis Guevarra back in 1992. He was a very talented & gifted musician. And a caring friend.

"My most heartfelt commiserations to Tita Connie, Manny, Bel and the rest of their family and his friends.

"Ferdz... Maraming salamat for sharing your immense talent with me and everyone. You have taught me much.

"RIP Ferdz."

Sa nasabing post, sinagot din ni Medwin ang tanong ng isang kaibigan nito kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng composer. Ayon kay Medwin, heart attack ang ikinamatay ni Ferdie.

Ang ilan sa mga OPM musicians ay nagpaabot na ng kani-kanilang pakikiramay sa mga naulila ni Ferdie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakikiramay ng singer-songwriter na si Moy Ortiz mula sa bandang The Company, "My deepest condolences to you , to the bad and the families Medwin O. Marfil."

Komento naman ni Ogie Alcasid, "Oh my. Deepest condolences."

Sa Twitter naman ipinayahag ni Ebe Dancel ang kanyang pakikiramay.

Sulat nito, "Ferdie Marquez, one of True Faith's founders, passed away today. My heart is heavy. Salamat Ferdie for always being a good friend to me."

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng iba pang detalye ang pamilya ng yumao.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng True Faith ay ang "Perfect," "Dahil Ikaw," "Huwag Na Lang Kaya," at "Muntik Nang Maabot Ang Langit."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN