Watch Now

Ronnie Liang thanks GOT7's BamBam for singing "Ngiti" at Manila concert

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 1, 2022
Ronnie Liang and BamBam
Ronnie Liang to GOT7's BamBam: "Thank you for sending smile or Ngiti to your Filipino fans. Welcome to Manila, Kamsahamnida God bless!"

Labis ang pasasalamat ng singer-actor na si Ronnie Liang sa GOT7 member na si BamBam sa pag-awit nito ng kanyang hit song na "Ngiti."

Read: Got7's BamBam hints at possible collab with James Reid

Noong July 29, 2022, naganap ang K-pop Masterz in Manila sa Mall of Asia Arena— kung saan kabilang sa nag-perform si BamBam, kapwa GOT7 member na si Jackson Wang, at ang idol group Treasure.

Ginulat ni BamBam ang kanyang mga tagahanga nang kantahin nito ang Tagalog song na "Ngiti," na orihinal na inawit ni Ronnie.

Sa isang Twitter post noong July 30, idinaan ng Sing Galing hurado ang kanyang pasasalamat kay BamBam nang i-duet nito ang kuhang video ng isang fan habang kinakanta ng Thai K-pop idol ang "Ngiti."

Caption ni Ronnie (published as is), "Thank you so much, kamsahamnida @bambam1a for Singing my song on your concert.

"I am truly honored & grateful for this. Thank you for sending smile or Ngiti to your Filipino fans. Welcome to Manila, Kamsahamnida God bless!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad naman itong ni-retweet ni BamBam.

Maraming netizens ang natuwa, pumuri, at nagpahatid ng pagbati sa tagumpay ng Manila concert ni BamBam at sa pagkanta nito ng "Ngiti."

Ronnie Liang and BamBam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ronnie Liang and BamBam

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang to GOT7's BamBam: "Thank you for sending smile or Ngiti to your Filipino fans. Welcome to Manila, Kamsahamnida God bless!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results