PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francis M's shirt up for auction for Gab Chee Kee

Gab Chee Kee is currently battling lymphoma.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 2, 2023
Francis Magalona's shirt to be auctioned to help Gab Chee Kee
A polo shirt worn by late rapper Francis Magalona (right) is set to go up for auction for the benefit of Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee (left). Gab battling lymphoma-induced pneumonia.
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram

Laking tuwa ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda nang makatanggap siya ng magandang balita mula kay Saab Magalona.

Si Saab ay isa sa mga anak ng namayapang Pinoy King of Rap na si Francis "Kiko" Magalona.

Boluntaryong dinonate ng pamilya Magalona ang memorabilia ni Francis para sa fund-raising activities ng grupo ni Chito.

FUND-RAISING FOR PAROKYA NI EDGAR GUITARIST

Nagsasagawa kasi ng fund-raising si Chito at ang kanyang mga kabanda para sa pagpapagamot ng gitarista nilang si Gab Chee Kee.

Read: Chito Miranda seeks financial help for Parokya ni Edgar bandmate with lymphoma

Si Gab ay na-diagnose na may lymphoma-induced pneumonia. Ang lymphoma ay uri ng cancer na ang tinatamaan ay lymph nodes.

Dahil sa lumulobong gastusin sa ospital, ang mga kabanda ni Gab ay umapela ng tulong mula sa entertainment industry.

Noong January 2023, sinimulan ng grupo ni Chito ang fund-raising gigs kasama ang ilang kapwa OPM artists na sina Moira Dela Torre, Gloc 9, Kamikazee, Ebe Dancel, Shanti Dope, Flow G, December Avenue, Moonstar 88, POT, at Gracenote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gitarang pirmado ng Eraserheads, sold for PHP1.3M; proceeds mapupunta sa treatment ni Gab Chee Kee ng Parokya ni Edgar

Maliban dito, nagbenta rin ng mga memorabilia si Chito mula sa mga props na ginamit ng Parokya Ni Edgar noon sa kanilang iconic music videos.

Kabilang dito ang school polo, slacks, at cap na sinuot ni Chito sa music video ng kantang "Bagsakan," pati na ang puppets na sina Mr. Suave at Chito Matsing na ginamit ng Parokya ni Edgar sa album cover ng Halina sa Parokya.

Read: Chito Miranda reacts to “sayang naman yung 8M” comment on fundraising campaign for bandmate Gab Chee Kee

CHITO AND SAAB'S EXCHANGE

Ka-collab ng Parokya Ni Edgar si Francis sa "Bagsakan."

Lubos ang tuwa ni Chito nang kontakin siya ni Saab para sabihing nakita nito ang polong sinuot ni Francis sa music video ng "Bagsakan."

Pumayag ang pamilya ni Saab na ipa-auction iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mapagbebentahan nito ay ibibigay nila kay Gab para sa mga gastusin niyang pangmedikal.

Read: The story behind Maxene Magalona's "Kaleidoscope World" cover

Sa Instagram post ni Chito nitong Miyerkules, March 1, 2023, ibinahagi niya ang pag-uusap nila ni Saab.

Mababasa sa caption ni Chito (published as is), "Tingnan nyo kung ano yung nahanap namin. Yung polo ni Sir Kiko sa Bagsakan.

"Honestly, di na ko umaasa na mahahanap pa namin yung pangatlong polo...pero nagbakasakali ako, at nag-message ako kay Saab Magalona.

"After a few days, she sent me this photo...nahanap nila yung polo and pumayag si Ma'am Pia ipa-auction yung polo ni Sir Kiko for Gab!!!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kantang "Bagsakan" ay isa sa mga tanyag na awitin ng Parokya ni Edgar na parte ng kanilang Halina sa Parokya album.

Ini-release ito noong 2005 kung saan na-feature din dito ang rap verses ni Francis at Gloc 9.

Sumakabilang-buhay si Francis noong March 6, 2009 dahil sa sakit na acute myelogenous leukemia (AML), isang uri ng kanser sa dugo at bone marrow.

Si Francis ay isa sa mga itinuturing na most influential rapper sa bansa. Isa siya sa nag-pioneer ng rap sa Pinoy rock music.

Ang ilan sa mga hit singles niya ay "Mga Kababayan," "Gotta Let 'Cha Know," "Cold Summer Nights," "Mga Praning" at "Tayong Mga Pinoy."

NETIZENS REACT

Hindi maiwasang maging sentimental at emosyonal ng mga tagahanga ni Francis.

Sa comments section ng post ni Chito, bumuhos ang komento mula sa netizens na sumasaludo sa kabutihan ng pamilya ng namayapang rapper.

Comment ng isang netizen, "Hala, nakaka iyak. Through his family, nakatulong pa rin si Sir Francis [crying emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa ng isa, "Kiko smiling up their for sure!! Well done Magalona's Family."

Sabi pa ng isa, "Kasi alam kong ganyan po ang gagawin ni Master Rapper Francis M. Pag nabubuhay pa siya until now."

GAB CHEE KEE HEALTH UPDATE

Sa huling update ng Parokya ni Edgar, ibinahagi nila na unti-unti nang umaayos ang lagay ni Gab.

Ayon sa post nila noong February 27, 2023, ipinaabot nila sa kanilang fans na nakalipat na sa regular room si Gab matapos ang ilang buwan nitong pananatili sa Intensive Care Unit (ICU).

Sabi sa post ng banda (published as is) “FACE REVEAL! Woke up feeling cute, might delete later. Hehe Joke lang! Dahil sa tulong, dasal, at good vibes niyo, eto si Gab ngayon!

“Happy siya dahil nakalipat na siya sa regular room! Isa-isa na tinatanggal yung mga tubes na nakakabit sa katawan niya.

“Excited parang bata, nag-gigitara habang papunta sa regular room! Konti nalang at makakalabas na rin siya ng hospital!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May cancer pa rin siya, so tuloy-tuloy pa rin ang laban para makasama na namin siya on the stage soon! Laban pa Gab! Kayang-kaya yan!”

Dagdag pa ng Parokya members, “God is indeed Good!”

Read: How Saab Magalona keeps memory of late dad Francis M. alive for sons Pancho, Vito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A polo shirt worn by late rapper Francis Magalona (right) is set to go up for auction for the benefit of Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee (left). Gab battling lymphoma-induced pneumonia.
PHOTO/S: Chito Miranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results