Hindi napigilan ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na sagutin ang komento ng isang netizen tungkol sa fundraising campaign para sa maysakit nilang kabanda na si Gab Chee Kee.
Sa Facebook kagabi, February 20, 2023, nagbahagi si Chito ng update tungkol sa mga nabentang memorabilia mula sa props na ginamit nila noon sa kanilang music videos.
Saad ni Chito, “Nabenta namin yung school polo na sinuot ko sa music video ng Bagsakan for P150k (tapos nahanap ko yung slacks at yung cap so sinama ko na)
“Tapos nabenta naman namin yung puppets na ginamit namin sa album cover ng Halina sa Parokya for P85k (si Mr.Suave at Chito Matsing)
“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-bid
“Sobrang laking tulong po nito for Gab!!!
“Sana mahanap namin yung polo ni Sir Kiko.
Natuwa ang maraming netizens sa ginagawang hakbang na ito nina Chito para sa kanilang kagrupo. Pero may ilan na tila hindi sang-ayon dito.
Ayon sa isang neizen, sayang ang perang gagastusin sa gamutan para kay Gab dahil may nangangailangan pa nito.
Nais ng commenter na hayaan na lang si Gab sa kanyang kinahaharap na laban.
Aniya, “sayang naman 8M sana iwan nalang sa pamilya ………
“sorry just my opinion kung ako nasa kalagayan nya tatanggihan ko na yung tulong nila ibigay nalang sa mas nangangailangan
“I know you want to save life pero let it be sabi nga ng Beatles”

Tila nagpanting naman ang tenga ni Chito sa komento ng netizen.
Hindi raw kasi maganda ang dating na panghihinayang sa pera kahit worth naman mabuhay pa at maligtas sa karamdanan si Gab.
Saad ni Chito, “ang sama kasi nung dating na ‘sayang naman yung 8M' as if hindi worth yung buhay ng kabanda namin...kung sa kalagayan mo ihahambing, dun ka sa page mo mag-post or sa sarili mo nalang kasi it may come as offensive or insensitive sa iba, lalo na sa amin.
“Wag ka manghihinayang sa pera na pinaghirapan ng lahat ng tumulong kay Gab...hindi po sya ‘sayang'.
“Ang sama ng dating eh... kung sa para buhay mo, ‘sayang’, para sa kabanda at kaibigan namin, ‘all worth it’ [heart emoji]”

Si Gab, na gitarista ng Parokya ni Edgar, ay nasa Intensive Care Unit (ICU) matapos ma-diagnose ng lymphoma (cancer affecting the lymphatic system).
Kailangan nila ng malaking halaga ng pera para sa kanyang medical needs.
Read: Chito Miranda seeks financial help for Parokya ni Edgar bandmate with lymphoma
