Labis ang pasasalamat ng multiple Grammy winner na si Bruno Mars sa mga Pilipinong dumalo sa matagumpay niyang two-night concert sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng isang post sa Instagram, inihayag ni Bruno kung gaano kaespesyal sa kanya ang pagbabalik-Pinas para muling makapiling ang kanyang Pinoy fans.
Kalakip nito ang isang video habang siya’y kumakanta, kasama ang The Hooligans, at ipinapakita ang ilang video clip kuha sa kanyang two-night sold-out concert.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): “Dancin in Manila! Thank you Philippines. Always so special to come out here and sing for y’all.
“We’ll be back. Love always, The Brunz aka Lil Prince Adobo.”
Naganap ang concert ni Bruno sa Philippine Arena sa Bulacan nitong Sabado, June 24, at Linggo, June 25, 2023.
Read: Bruno Mars dazzles Pinoy fans in his fourth concert in the Philippines
CELEB COUPLES SPOTTED
Kabilang sa libu-libong bumiyahe nang malayo ay ang Kapuso couples na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, Gabbi Garcia at Khalil Ramos, at Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Present din ang Kapamilya couple na sina KD Estrada at Alexa Ilacad.
Sa Instagram, ibinahagi ni KD ang kanyang lubos na kasiyahan dahil sa wakas ay nakita na niya sa malapitan ang kanyang iniidolong si Bruno Mars.
Nagpasalamat din si KD kay Alexa dahil sa umano’y pagtupad nito sa kanyang matagal nang pangarap.
Saad niya sa kanyang post, “I'd be locked out of heaven if i missed out on this.
“Watching #brunomars live was something i didn't know i needed to experience.
“Thank you for making this possible, @alexailacad, best gift from the best person in the world.
“We only wish to be as cool as @brunomars.”
Maging ang magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde ay spotted sa nasabing concert, kasama ang ina ng aktres na si Sylvia Sanchez.

Ang soon-to-be-married couple na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda ay hindi rin pinalampas ang pagkakataong masilayan si Bruno Mars.
Inilarawan naman ni Andrea Brillantes, na kaka-break lang sa basketball player na si Ricci Rivero, na "one of the best concerts ever" ang concert ni Bruno Mars.
MAINE MENDOZA, PAOLO VALENCIANO, OTHER CONCERTGOERS COMPLAIN ABOUT EXTREME TRAFFIC
Sa dami ng dumalo sa concert ni Bruno Mars ay hindi naiwasang bumigat ang daloy-trapiko patungo at paglabas ng Philippine Arena.
Kabilang sa mga naipit sa traffic ay si Maine Mendoza at ang fiancé niyang si Arjo Atayde.
Sa Twitter post ni Maine noong Sabado, June 24, ibinahagi niya ang hirap na naranasan nila sa pagpasok at paglabas ng Philippine Arena, na itinuturing ngayong pinakamalaking concert venue sa buong Pilipinas.
Bakas ang pagkadismaya ng TV host-actress dahil sa “hassle” na pagpasok sa venue, kung kaya’t halos patapos na ang concert ni Bruno nang makarating sila rito.
Mababasa sa kanyang tweet (published as is), “Went to see Bruno Mars in Philippine Arena and made it to the finale. Happy pa din kasi umabot sa last two songs.
“Napaka hassle lang talaga ng entry and exit! Has it always been like this?”
Dahil sa naranasan, hindi napigilang magbalik-tanaw ni Maine sa hirap ding naranasan noon ng fans ng tambalan nila ni Alden Richards, ang AlDub, nang ganapin din sa Philippine Arena ang "Tamang Panahon" episode ng sikat nilang segment sa Eat Bulaga! noong 2015.
Aniya, “Kumusta ang previous concerts dito? And Tamang Panahon?! Shocks sorry kung ganito din ka-hassle.”
Naging pakonsuwelo na lang kay Maine ang makita ang malaking signboard ng upcoming concert ng British rock band na Coldplay sa Pilipinas sa January 2024.
Ngunit dahil sa hindi magandang karanasan ay “pass” na muna raw siyang dumalo rito lalo na’t gaganapin din ito sa Philippine Arena.
Pahayag ni Maine, kalakip ng selfie nila ni Arjo, “Happy na din ako to see this! [red heart emoji[].
“Sending my best wishes to everyone attending next year!
“Pass na muna siguro ako. Arrive early then suffer after the show, ganun. Yikes.”
Bukod kay Maine, may ilan pang celebrities na naghayag ng pagkadismaya dahil sa matinding traffic sa NLEX at hirap na pagpasok sa concert venue.
Kabilang na rito sina Paolo Valenciano at Michele Gumabao.
Sa Twitter, inihayag ni Paolo ang matinding traffic na kanyang naranasan.
Saad niya, "Been on the road 2 hours na tapos May ganito pa. I guess sa tiktok na Lang kame manonood [clown emoji] #BrunoMarsInPH #brunomars #nlex."
Sa Instagram Stories naman ni Michele, sinabi niyang huling apat na kanta na lang ang kanyang naabutan dahil din sa pagkakaipit sa traffic.

Maging ang ibang dumalo sa concert ay iisa rin ang hinaing.
Anila, hindi praktikal ang pag-commute patungong Philippine Arena dahil sa bigat ng daloy-trapiko.
Bangungot pa ngang maituturing ng iba ang kanilang naging karanasan patungong concert.
Tweet ng isang netizen, "PH Arena is a LOGISTICAL NIGHTMARE. Not everyone has personal drivers, and yung iba doesn’t even have cars. Also, the Arena is not made for concerts naman talaga it’s for religious congregation kaya yung stage size hindi din approve sa concert ng ibang artists.”
Sabi pa ng isa, "PH Arena is not that accessible to commuters. Too many hassles that always happen in every concert. No nearby food stalls/establishments & airbnb place. Iyakan sa pagpunta at paguwi if commute. Stressful sa parking."
Dagdag pa ng isa, "The current traffic in nlex is just one of the reasons why ph arena is not an ideal venue for concerts. while i think the arena itself is not bad, lack of transportation options makes it so difficult for people to go there. it sucks but the burden is on the consumers as always."
