Yassi Pressman performs in PhilPop 2016 as she is nominated for eviction in PBB Lucky Season 7

IMAGE Allan Sancon



Bukod sa highlight na performances at announcement of winners, pinag-usapan din ang pagdalo ni Yassi Pressman sa PhilPop 2016 Finals Night.

Si Yassi ang nag-interpret on stage ng awiting “Dumadagundong” na komposisyon nina Mike Villegas at Brian Cua. Nasorpresa ang lahat nang makita si Yassi sa opening number kasama ang iba pang interpreters kagabi, July 23, sa KIA Theater sa Cubao.

Bago pa nagsimula ang event ay usap-usapan na kung makakapag-perform ba si Yassi nang live. Ito ay dahil kabilang si Yassi sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 at kasalukuyan silang naninirahan sa Bahay ni Kuya sa bansang Vietnam. Kaya naging palaisipan sa mga tao kung makakapunta ba ang actress-singer-TV host.

Dahil nga nakadalo sa event si Yassi, inisip na lang na pinayagan siya ng PBB na tuparin ang kanyang commitment sa PhilPop.

Ito ay sa kabila ng pagiging nominado ni Yassi bilang isa sa 4 housemates nominated for eviction sa celebrity edition ng PBB Lucky Season 7.

Ang iba pang kasama sa first batch of nominees for eviction ay ang Brazilian-Japanese hunk na si Hideo Muraoka, former FHM cover girl Jinri Park, at ang The Voice Kids Season 1 finalist JK Labajo.

(To view complete list of winners of PhilPop 2016, read: Itchyworms, Jason Dy among winners in Philpop 2016)

Nang kausapin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) photographer na si Allan Sancon si Yassi pagkatapos ng finals night, ang naging sagot lang nito: "Bawal pa po ako magsalita, sorry po."

Pero nagkaroon kami ng pagkakataon na saglit na makausap ang composer ng “Dumadagundong” na si Mike Villegas.

Inamin nga ni Mike na nag-alala rin siya kung makakapunta si Yassi.

“Oo, sobra akong nag-worry because of Pinoy Big Brother. So, I’m glad of what happened, they allowed her to leave. And I’m ecstatic of her performance,” sabi ni Mike.

Nalaman ba niya kung kailan dumating ng bansa si Yassi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam yung particulars, e.”

Basta ang mahalaga raw ay nakapunta si Yassi at naging maganda ang performance nito. Natatangi ngang si Yassi lang sa lahat ng interpreters ang nagkaroon ng “grand entrance,” na bumaba ng kotse sa labas ng KIA Theater, pumasok at naglakad papunta sa stage habang kumakanta. Pinalakpakan nga ito ng mga tao.

May mensahe ba si Mike para kay Yassi?

“Thank you for doing a great job with ‘Dumadagundong.’ Good luck sa kanyang career. I know she’ll go a long way because she’s very professional and she’s really a joy to work with,” ani Mike.







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN