Sophie Albert reveals getting hate messages over kabit role in Bihag

by Rommel Gonzales
May 30, 2019
Sophie Albert on feisty scenes with Max Collins in Bihag: "Nagkakasakitan talaga kami."
PHOTO/S: Instagram / GMA Network

Sa GMA Afternoon Prime series na Bihag ay gumaganap si Sophie Albert na mang-aagaw ng asawa o kabit.

Ang inagaw niya ay ang karakter ni Jason Abalos na asawa ni Max Collins sa Kapuso teleserye.

Dahil sa epektibong pagganap ni Sophie bilang kontrabida ay marami ang galit sa kanya.

Kuwento ng aktres, “Merong mga nagme-message sa akin.

“Nung simula wala, pero nung medyo nag-aaway na talaga kami ni Max, nagpipisikalan na, pini-personal na ako sa Instagram.

“Madami nang mga IG DMs [direct messaging] na parang, ‘Uy, grabe ka naman! OA naman kayo!’

“Kaya nag-post na ako ng, ‘Sorry, mabait naman ako in real life.’

“Kasi medyo marami na [ang nagagalit]… mostly pag inaapi ko si Max.”

Continue reading below ↓

Sa sobrang sama nga niya sa Bihag, may vendors sa isang taping nila sa palengke na sumigaw ng “Nasaan ang kabit! Ilabas niyo siya para masabunutan namin!”

Nag-uusap ba sila ni Max bago kunan ang eksenang magsasakitan sila para maiwasan nila na magkasakitan ng totohanan?

Tugon ni Sophie, “Actually it’s more of, ‘Sige, sige lang, saktan mo lang ako! Huwag kang matakot!’

“Kasi mas weird kapag alangan kaming saktan yung kaeksena mo kaya okay lang, ‘Saktan mo ako!’

“'Tapos after nun, sorry na. Pero totoong nagkakasakitan talaga kami.

“Masakit talaga yung mga sampal, yung mga sabunot, masakit talaga siya!”

Sino sa kanila ni Max ang mas masakit sumampal at manabunot?

“Hindi ko alam!” at tumawa si Sophie.

Wala naman daw nagalit sa kanya sa eksenang pinatay niya si Emilou, portrayed by Glenda Garcia.

“Kasi kay Tita Glenda, medyo inis din sila sa character niya, so marami din masaya na parang, ‘Buti na lang namatay na siya!’" at tumawa si Sophie.

Continue reading below ↓

“So, iyon, mostly kapag kay Max.”

Nakausap ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) si Sophie sa taping ng Bihag nitong Martes, May 28, sa Marina Iloilo, Oysters and Seafood, sa Quezon City.

BIRTHDAY BOYFRIEND

Samantala, magbabakasyon si Sophie at ang boyfriend niyang si Vin Abrenica mula Biyernes hanggang Linggo sa Bohol.

Bahagi raw ito ng birthday celebration ni Vin.

“Meron kasi akong mga friends na nagplano ng trip dun kaya sumama na kami.

“Kasama si Vin kasi birthday niya bukas [May 29], so parang celebration na rin.

“Kasama yung mga high school barkada ko so parang okay, sige sama na kami.”

May regalo na raw siya para sa kanyang hunky boyfriend.

“Sapatos lang, pang-work out. Nabili ko na, nabigay ko na.

“Adidas, pang-work out lang, kasi hindi kami masyadong mahilig sa shopping-shopping.

“So, parang kung anong kailangan, iyon na lang.”

Pinansin namin ang halos kakaunting kinain ni Sophie Albert sa lunch.

Continue reading below ↓

Kaya pala slim si Sophie, ganoon siya ka-strict mag-diet.

“Ngayon lang kasi magbi-beach ako this weekend!” natawa niyang sabi.

“So, wala lang, para lang ano, I’m trying to watch what I eat.

"Pero pag walang work, gym talaga."

(Read: 15 most outrageous catfight scenes from GMA-7 teleserye Bihag)

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophie Albert on feisty scenes with Max Collins in Bihag: "Nagkakasakitan talaga kami."
PHOTO/S: Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results