Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Willie Revillame hindi magse-celebrate ng birthday

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 21, 2020
"Sabi ko, ba't ako magse-celebrate, nang marami akong kababayan na naghihirap?" ani Willie Revillame na magdiriwang sana ng kanyang kaarawan sa January 27, Lunes, pero nagpasyang ilaan na lang ang episode ng kanyang show na Wowowin sa araw na iyon sa pagtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin

Hindi raw magse-celebrate ng kanyang birthday sa January 27 ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Imbes na tumanggap ng mga regalo at mag-celebrate, ilalaan niya raw ang special episode ng Wowowin sa Lunes na iyon sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal.

"Sabi ko, ba't ako magse-celebrate, nang marami akong kababayan na naghihirap?" pahayag pa ni Willie matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Network para sa kanyang bagong show na Wowowin Primetime.

Ang Wowowin Primetime ang Saturday edition ng show niyang Wowowin na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Simula Pebrero hindi lang daw limang araw siyang maghahatid ng saya at tulong sa kanyang mga kababayan, kundi anim na araw na.

Ang anak ni Gary Valenciano na si Gab Valenciano ang direktor ng Wowowin Primetime.

"Yung Wowowin po at saka GMA, isa lang naman, di ba?

"Saya, ligaya, pag-asa, at pagmamahal. And I think yung tibok ng puso dito sa GMA, talagang tibok na tunay. Tibok na may pagmamahal para sa mga Pilipino, lalung-lalo na sa mga nangangailangan," dagdag pa ni Willie.

Continue reading below ↓

Matatandaang nakuhanan pa ni Willie ang mga unang sandali ng pagbuga ng abo at usok ng Bulkang Taal.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko, ba't ako magse-celebrate, nang marami akong kababayan na naghihirap?" ani Willie Revillame na magdiriwang sana ng kanyang kaarawan sa January 27, Lunes, pero nagpasyang ilaan na lang ang episode ng kanyang show na Wowowin sa araw na iyon sa pagtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results