Gameboys vs Sakristan: Battle of Pinoy Boys Love series

by Jerry Olea
Jun 2, 2020
Parehong pumatok sa mga online viewers ang mga Pinoy Boys Love series na Gameboys, starring Kokoy de Santos at Elijah Canlas (kaliwa), at ang Sakristan na pinagbibidahan nina Henry Villanueva at Clifford Pusing (kanan).
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Abril 30, nag-post si Direk Eduardo Roy Jr. sa Facebook tungkol sa Pinoy Boys Love series na Oh, Mando!.

Bida rito ang tambalang KoLex nina Kokoy de Santos (ng Fuccbois) at Alex Diaz. Nakatakda itong ipalabas sa iWant TV.

Natigil ang shoot nito after four days dahil sa community quarantine. May natitira pa silang five shooting days.

Continue reading below ↓

Ngayong nasa GCQ (general community quarantine) na ang Metro Manila at mga kalapit-lalawigan, magre-resume na ba ang shooting ng Oh, Mando!?

“Wala pa pong final date ng resume. Pre-prod pa rin po sa new normal kung paano muling magsisimula. Hopefully, this June, mag-start na,” sabi ni Direk Eduardo nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hunyo 1, Lunes ng umaga.

GAMEBOYS

Mayo 22, Biyernes ng gabi, in-upload sa YouTube channel na The IdeaFirst Company ang unang episode ng Boys Love (BL) series na Gameboys.

Bida rito sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos bilang Cairo at Gavreel, respectively... CaiReel!

Continue reading below ↓

“Pass or Play” (10:42) ang title ng episode, na umabot na sa 382K views.

Mayo 29, Biyernes ng 8:00 P.M., in-upload ang music video ng theme song nito na "Isang Laro."

Inawit ito ni Nasser. Words and music ni Emerzon Texon. Lumampas na ito sa 87K views.

Hunyo 3, Miyerkules, 8:00 P.M., ia-upload ang 2nd episode ng Gameboys.

Ano ang mae-expect dito ng mga manonood?

“Abangan... kasi ako mismo, di ko in-expect ‘yung mga mangyayari. Hahaha!” tugon ni Kokoy nitong Hunyo 1, Lunes, via Messenger.

Mas mahirap bang mag-shoot ng Gameboys dahil wala siyang kabatuhan sa eksena?

Ibang-iba ang dynamics ng Gameboys na nasa kani-kanyang bahay ang mga artista, direktor, at production staff, kumpara sa shooting sa set na karaniwang 100 o higit pa ang mga tao.

Sagot ni Kokoy, “Mas nakakapanibago po, kesa sa nahihirapan in terms of pag-arte.

"Sa pag-set up siguro yung medyo mahirap, kasi, di pa sanay.

Continue reading below ↓

“Pero ngayon, nae-enjoy ko na.

"Tingin ko nga, after nitong Gameboys, papasok na rin ako sa production, e. hahaha!

"Masaya! Just enjoying the process."

GAMEBOYS TO BE EXTENDED?

Apat na episodes lang sana ang Gameboys, na idinidirek ni Ivan Andrew Payawal.

“Pero habang nag-uusap ang writers, parang humahaba pa nang humahaba. Ang daming pwedeng puntahan ng story!” sabi ng executive producer na si Direk Perci Intalan.

Ay! Mas magastos kung mas mahaba!

“Medyo, hahaha! Pero kailangan din naman ng mga tao ng work, so yun muna ang iniisip namin.

"Sa pelikula naman, ganyan din, nagtataya ka muna...

"Para siyang Creative Lab namin. Yes, magastos para i-fund, pero it allows our creative team to experiment and develop new products.

“Like itong Gameboys, ang dami naming natutunan — di lang sa story telling kundi pati sa production.

"At ang bilis ng learning curve. Kasi, kita mo agad ang feedback ng mga tao.

Continue reading below ↓

“I think, pag nakita ng mga tao ang EP 2, kita mo na talaga na nag-level up mula sa EP 1.

"Ang dami na naming nagagawa now.

"Mahirap pa rin pero mas naayos na namin. At mas marami pa kaming naiplano for EP 3!”

Sa kabila ng napakaraming restrictions at limitations sa shooting ng Gameboys, swabe ang performance na napiga kina Kokoy at Elijah.

Continue reading below ↓

“Super-proud kami kina Kokoy at Elijah!” pagmamalaki ni Direk Perci.

“Hindi biro yung kailangan nilang gawin. Kailangan talaga ng super-gagaling ng mga artista para ma-motivate mo at ma-direct by remote.

"May instincts talaga silang dalawa. Kaya nila yung subtleties na hinihingi ni Direk Ivan.

“But at the same time, may energy at tiyaga sila to go thru this very tedious process.

"All in all, five days pa rin kami inabot dito sa EP 2."

MORE GUIDE STORIES

SAKRISTAN

Mayo 31, Linggo, in-upload ang unang episode ng Sakristan, titled “Touch-Move,” sa YouTube channel na VinCentiments. Mahigit 378K views na ito.

Bida rito ang tri-athlete na si Clifford Pusing bilang Zach, at si Henry Villanueva bilang Christian.

Ang blending ng character names nila na ZaChristian ay medyo katunog ng “Sakristan.”

Pwede rin ang portmanteau na ZaChristi, na medyo katunog ng “sacristy.”

Continue reading below ↓

Ikinuha ng produksyon ang dalawang young actor ng permit para makapag-shoot habang may GCQ.

Sa virtual presser ng Sakristan noong Mayo 30, Sabado, inihayag nina Clifford at Henry na pareho silang straight.

Ang Sakristan ay isinulat at idinirek ni Darryl Yap, ang direktor ng blockbuster movie ni Kim Molina na #Jowable.

Post ni Direk Darryl nitong Hunyo 1, Lunes ng umaga sa Facebook, “Maraming Salamat sa lahat ng papuri, puna at payo, babaunin po namin ito sa muling shoot.

“Ang Episodes 1 & 2 po ay na-shoot namin exactly pagka-lift ng ECQ to GCQ sa Olongapo last May 16 hanggang nitong nakaraan.

“iPhones lang po ang naging voice recorder namin at puro DIY ang ibang gamit dahil nasa Manila ang mga kagamitan; pero nakakataba po ng puso na kahit ganoon, ay naappreciate po ninyo at ginawa ang #SAKRISTAN na FIRST TRENDING BL-INSPIRED SERIES NG PILIPINAS.”

Tatlong pari ang consultants ni Direk Darryl sa pagbuo ng Sakristan — isang taga-Bataan, isang taga-Bulacan, at isang taga-Laguna.

Continue reading below ↓

CLIFFORD PUSING

Nakatutok kay Clifford ang kanyang ama na si Michael Pusing habang nagsusyuting siya sa Sakristan.

Bahagi ng post ni Daddy Michael noong Mayo 29, Biyernes sa Facebook: “Aspiring actor po ang anak ko who fits the role as a triathlon champ in real life.

“Lubos po akong grateful kay Direk Yap at sa Viva Films for giving him a break.

“Noong unang nalaman ko po ang kuwento, napaisip po ako, pero noong nabasa ko na po ang buong script mula umpisa hanggang dulo, ako na po ang nagsasabing kailangan natin ng ganitong palabas!

“Napakaganda po ng kuwento at kung paano ito ginagawa at binubuo....”

Continue reading below ↓

Mapapanood ang ikalawang episode ng Sakristan entitled “Bangkok” sa Hunyo 7, Linggo.

Walo lahat ang episodes ng Pinoy BL series na ito.

RECOMMENDED ARTICLES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong pumatok sa mga online viewers ang mga Pinoy Boys Love series na Gameboys, starring Kokoy de Santos at Elijah Canlas (kaliwa), at ang Sakristan na pinagbibidahan nina Henry Villanueva at Clifford Pusing (kanan).
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results