JERRY OLEA
Nasa 140K na ang views ng "Touch-Move,” ang unang episode ng Boys Love (BL) series na Sakristan, starring Clifford Pusing and John Henry Villanueva.
Zach at Christian ang pangalan ng characters nina Clifford at John Henry. Ang portmanteau o blending, ZaChristian.
In-upload ito sa YouTube channel na VinCentiments pagsapit ng Mayo 31, Linggo.
Sinulat at dinirek ito ni Darryl Yap, ang nagsulat at nagdirek ng box-office movie ni Kim Molina na #Jowable.
May paunawa: ang Sakristan na ito ay rated LGBT—nangangailangan ng Lawak ng pag-iisip, Gabay sa kabataan, Buong puso, at Tunay na pagpapakatao.
In English, it requires LGBT—Liberated thinking, Guidance for the youth, Benevolence, and Truthfulness.
But browsing through the almost 3K comments sa YouTube, mukhang dedma sa tema ang mga viewers, at mas pinansin ang acting, camera angles, at audio.
Merong mga kinilig, at merong excited sa next episodes.
Ipinaliwanag sa YT channel ang title ng first episode, na 19 minutes 42 seconds ang running time: “The touch-move rule in chess specifies that if a player deliberately touches a piece on the board when it is their turn to move, then they must move or capture that piece if it is legal to do so.
"If it is the player's piece that was touched, it must be moved and must continue the play whatever result may be.
"A lot like love. A lot like life.
"A careless act will lead you to do things out of your way.
"But sometimes, that unexpected turn, that unfamiliar route, can bring you to a much favorable position. And it's up to you to make the most out of it.
"Sakristan’s first episode is about choosing between FATE and FAITH."
Ang second episode nito ay entitled "Bangkok," at ia-upload sa Hunyo 7, Linggo.
Sinadya ba na tuwing Linggo ang pag-a-upload nito?
NOEL FERRER
I still prefer the pa-sweet, for general patronage love story kung pang-general streaming na may access ang lahat, like Gameboys, or the Thai film The Love Of Siam (2007) na sobra ang kilig.
Alam ko namang kanya-kanyang taste iyan, pero may regulating or classifying body ba ang mga ganitong panoorin like the MTRCB (Movie and Television Review nad Classification Board) sa streaming services?
Basta, good luck sa lahat ng naglalabas ng ganitong mga kuwento at panoorin ngayong lockdown.
Thank you for giving the audience these alternative viewing fares.
GORGY RULA
Maganda ang pagsisimula ng BL series ng The IdeaFirst na Gameboys, pero hindi ito nasundan agad. Sa halip, may pa-teaser lang na music video na ikinadismaya ko lang. Akala ko kasi, may karugtong na ng kuwento iyong "Pass or Play," pero waley pa rin.
Pagkatapos, may bagong Pinoy BL Series na naman na nagsimula. Maganda rin naman ito, at least may ginagawa ang mga maliliit nating artista.
Pero huwag naman sanang pawang BL series lang ang susubaybayan natin sa YouTube.
Sana, may mga iba pang materyal para tuluy-tuloy pa rin ang mga bagong pinapanood sa online at iba pang platform, habang mga replay pa rin at current news ang napapanood sa TV.