Billy Crawford to do a game show in TV5?

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2020
Will Billy Crawford follow other Kapamilya stars who have made the transfer to TV5 after ABS-CBN was not granted a fresh franchise by Congress?
PHOTO/S: File

“Sa October.”

Ito ang pagkumpirma ng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na TV5 insider ukol sa napipintong paglipat ni Billy Crawford sa Kapatid network.

Ayon sa kanya, gagawa si Billy ng game show para sa istasyon. Sa October na raw ito magaganap.

Hindi naman malinaw kung kabilang din si Billy sa mga kinukunsiderang host sa noontime show na binubuo ng independent producers para sa istasyon.

Pero ayon naman sa isa pang insider, hindi pa ito kumpirmado, at ang masasabi lang niya ay patuloy raw ang ginagawang negosasyon sa pagitan ni Billy at ng TV5.

KAPAMILYA HOST

Si Billy ay ilang taong naging bahagi ng ABS-CBN mula pa noong 2008. Dito ay nahasa siya nang husto sa paghu-host.

Kabilang sa mga programang hinost niya ay ASAP, Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots, at Idol Philippines.

Continue reading below ↓

Naging bahagi rin si Billy ng It’s Showtime, pero umalis siya sa show noong nagpakasal na sila ni Coleen Garcia.

Naging hurado naman siya sa World of Dance Philippines at Your Moment.

Kung magkataon, mabibilang na si Billy sa mga Kapamilya stars na lumipat o tumanggap ng show sa TV5, tulad nina Pokwang, Jessy Mendiola, at Ria Atayde.

Ito ay matapos ng malawakang retrenchment ng talents at empleyado, at pagsasara ng mga programa sa radyo at telebisyon ng ABS-CBN, bunsod ng pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Ang hakbang na ito ng Kongreso ay alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, mula pa noong 2017, na hindi niya papayagang mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Billy Crawford follow other Kapamilya stars who have made the transfer to TV5 after ABS-CBN was not granted a fresh franchise by Congress?
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results