Kelvin Miranda pegs Korean actors for lead role in The Lost Recipe

by Jerry Olea
Oct 6, 2020
Kelvin Miranda to bashers and haters: "Salamat sa inyo dahil nilalahad ninyo yung feelings ninyo, at hindi masama iyon. Wala akong question. Wala akong masamang sasabihin sa inyo. Hindi masamang magsabi ng nararamdaman."
PHOTO/S: Instagram

Masaya si Kelvin Miranda nang kunin siyang bida sa fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe.

“Iyong feeling ko po, talagang masaya ako. Kasi, nagbunga rin po talaga iyong paghihirap namin ni Sir Tyronne nang matagal na panahon,” matamang pasakalye ni Kelvin nitong Oktubre 6, Martes, sa video interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Messenger.

Ang tinutukoy ni Kelvin na Sir Tyronne ay ang talent manager na si Tyronne James Escalante, na nagma-manage din kina Jane de Leon at Arkin del Rosario.

Pagpapatuloy ng 21 anyos na Kapuso actor, “At pangalawa, kinakabahan po ako dahil malaking expectations po ng maraming tao ang ibabato po sa akin, na tatama po sa akin.

“Talagang kailangang ma-meet ko iyon, at mabigyan ko ng justice ang role na gagampanan ko.”

THE LOST RECIPE

Primetime soap ang The Lost Recipe, kung saan katambal ni Kelvin si Mikee Quintos. Ang direktor nila ay si Monti Parungao.

Continue reading below ↓

“Konting background lang po ng The Lost Recipe ang ikinuwento sa amin noong nag-audition kami,” saad ni Kelvin.

“Hindi pa kami nakakapag-shoot. Wala pa pong shoot dahil hindi pa po kami nakakapag-storycon, at nakakapag-pre-prod.

“Actually, wala pa po. Kaka-decide lang po na kami ni Mikee ang magbibida sa The Lost Recipe.

“Si Direk Monti, nakatrabaho ko na po siya sa Madrasta. Isa po siyang direktor na maalaga, maalalahanin, at hindi ka niya pababayaan.

“Gagabayan ka niya sa mga eksena. Ganoon po siyang klaseng direktor.

“At si Mikee Quintos naman po, first time ko pa lang po siyang makakatrabaho at excited ako, na kinakabahan din,” napangiting sambit ng binata.

“Dahil... sana, walang maging problema sa pagiging magkatambal namin. Iyon lang naman po ang hinihiling ko na sana, maging mas maayos iyong relationship namin bilang tao.

“Like kaibigan, or kung pwedeng mas malala pa doon. Joke lang po!

Nasa cast din ng The Lost Recipe si Thea Tolentino.

Continue reading below ↓

Sa October 12 gaganapin ang storycon ng The Lost Recipe.

Nakatakda naman ang kanilang first lock-in taping mula November 9 hanggang 29.

Anu-ano ang mga pinagkakaabalahan ni Kelvin nowadays habang hindi pa nag-i-start ang taping ng The Lost Recipe?

“Bukod sa pagwo-workshop ko, pinagkakaabalahan ko po ang pag-e-edit ng vlog,” lahad ni Kelvin.

Continue reading below ↓

“Kasi, iyong pag-e-edit po, hindi ko pa ganoon kakabisado. Di ko pa kabisado kung paano mag-edit kaya pinag-aaralan ko pa rin siya.

“Dahan-dahan, at kahit paano naman po, natututo ako. At nag-iisip ng contents para sa vlogs.

“Nagwo-workshop nga po, gaya ng sinabi ko kanina. Pinag-aaralan kung paano iyong atake ng mga Korean actors. Kasi, iyon daw po ang magiging atake ng The Lost Recipe.

“Iyon lang naman. Kapag walang-wala na akong magawa, nagpe-painting, tumutugtog ng gitara, sinusubukang magsulat.

“At ano pa ba? Nanonood ng movies. Iyon po... Nagluluto! Iyon lang po!”

ON BASHERS AND HATERS

Siyempre, hindi mawawala ang bashers at haters, iyong mga kumukuwestiyon sa kakayahan niyang magbida.

Any message for them?

“Ang masasabi ko lang po sa kanila, mag-ingat po kayo palagi at huwag po nating panatilihing may galit iyong mga puso natin,” malumanay na pahayag ni Kelvin.

“Palaganapin po natin iyong peace at pagmamahalan dahil magiging mas masaya at maunlad kung ganoon iyong meron tayo sa puso natin.

Continue reading below ↓

“Iyon lang naman po, at... salamat. Salamat! Salamat sa inyo dahil nilalahad ninyo yung feelings ninyo, at hindi masama iyon.

“Wala akong question. Wala akong masamang sasabihin sa inyo. Hindi masamang magsabi ng nararamdaman.

“At good luck sa inyo. Mag-ingat kayo. God bless.”

Ano ang ipinagdarasal niya? Ano ang pangarap niya para sa sarili, at para sa kanyang pamilya?

Seryosong sagot ni Kelvin, “Ako po, ang pangarap ko po talaga ay iyong maging successful ako as a person, kung ano yung craft ko, at kung ano yung hangarin ko sa buhay ay makamit ko po lahat ‘yon.

“Dahil wala naman po akong ibang hinahangad kundi maging maayos yung pamilya ko, yung sarili ko, at mabigyan ko sila ng kuntento at payapang pamumuhay.

“Iyon na rin po ang ipinagdarasal ko, na sana... maging maayos na ang lahat para maging normal na rin po yung takbo ng lahat. Iyon lang naman po.”

Continue reading below ↓

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda to bashers and haters: "Salamat sa inyo dahil nilalahad ninyo yung feelings ninyo, at hindi masama iyon. Wala akong question. Wala akong masamang sasabihin sa inyo. Hindi masamang magsabi ng nararamdaman."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results