Kelvin Miranda, bida sa prime-time series ng GMA News TV; tambalang RitKen, ratsada sa TV at pelikula

by PEP Troika
Oct 5, 2020
Showbiz newbie Kelvin Miranda (kaliwa), sasabak sa Wish Ko Lang bago siya mapanood sa prime-time series na The Lost Recipe ng GMA News TV. Rita Daniela at Ken Chan, mapangahas ang first movie?
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda Instagram / Louie Ignacio Facebook

JERRY OLEA

Tumpak ang hula ng netizens! Si Kelvin Miranda ang bagong Kapuso leading man na bida sa fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe.

Si Mikee Quintos ang katambal ni Kelvin dito.

Ini-reveal iyan nitong Oktubre 5, Lunes ng gabi, sa Facebook page at Twitter account ng GMA Artist Center at GMA Public Affairs.

Hindi pa ini-announce kung kailan eere ang prime-time series na The Lost Recipe.

Mapapanood si Kelvin sa bagong episode ng Wish Ko Lang na “Nilamon ng Lupa” sa Oktubre 10, Sabado ng 4:00 p.m., sa GMA-7.

Istorya ito ng isang pamilyang naging biktima ng isang sinkhole. Tampok din dito sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, at Klea Pineda.

Sina Sunshine at Gabby ay bida rin sa LGBTQ movie na Versus, at ang direktor nito ay si Ralston Jover. May bahid ito ng pelikulang Kramer vs. Kramer (1979).

Si Kelvin ay isa sa mga bida ng Netflix movie na The Dead Kids, na ang direktor ay si Mikhail Red. Kasama niya roon sina Sue Ramirez at Khalil Ramos.

Continue reading below ↓

RATSADA ANG TAMBALANG RITKEN

Magpapakilig naman ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan, o RitKen, sa replay episode ng Dear Uge sa Oktubre 11, Linggo.

Sa episode na “Isko-Lie ng Bayan”—na unang ipinalabas noong Agosto 4, 2019—mahilig magsinungaling ang networking agent na si Isko (Ken Chan) para makaakit ng kliyente.

Itinatago ni Isko ang kanyang feelings sa longtime crush niyang si Betty (Rita Daniela), na kasintahan ng best friend niyang si Troy (Yasser Marta).

Ngayong October 2020, journey hosts sina Rita at Ken sa Season 3 ng The Clash na napapanood kung Sabado at Linggo ng gabi sa GMA-7.

Ang launching movie ng RitKen tandem ay ang My First and Always, na kinunan ni Direk Louie Ignacio sa Pagsanjan, Laguna.

May isa pang movie na natapos si Rita, ang In The Name of the Mother, na ang direktor ay si Joel Lamangan. Agaw-eksena rito si Rita bilang pasaway na anak ni Snooky Serna.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sa totoo lang, madalas na nagri-rate ang replay kesa sa fresh episode.

Magagandang kuwento kasi at siyempre, wala pang limitations noong tini-tape nila iyun.

Pero sana, patuloy pa rin sa paggawa ng mga bagong episode.

Ang suwerte nga nina Ken at Rita at magagandang projects ang napupunta sa kanila.

Ang ganda pa ng samahan nila at lalong lumalim ang friendship ngayong nagkasama sila sa projects during pandemic.

Siyanga pala, bakit ba Chow at Choy ang tawagan nina Ken at Rita?

Sabi ni Rita, Chow ang tawag niya kay Ken, kasi parang asong Chow Chow daw si Ken noong bata pa dahil sa buhok nito.

Napatigil si Rita dahil hindi niya masabi kung bakit Choy ang taguri sa kanya ni Ken. Lagi raw kasing pinapakain ni Ken si Rita, kaya Choy na ang tawag ng aktor sa kanyang leading lady.

NOEL FERRER

Bongga ang RitKen, ang dami nilang projects together.

Continue reading below ↓

At kahit siguro sila pa ang kunin sa LGBTQ story ng Wish Ko Lang, kayang-kaya nilang ganapan yun.

Ngayon natin makikita kung uubra ang fresh episodes, lalo pa’t may alyansa na ang ABS-CBN at ZOE TV!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Kelvin Miranda (kaliwa), sasabak sa Wish Ko Lang bago siya mapanood sa prime-time series na The Lost Recipe ng GMA News TV. Rita Daniela at Ken Chan, mapangahas ang first movie?
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda Instagram / Louie Ignacio Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results