ASAP Natin ‘To, FPJ: Da King to simulcast on TV5 replacing SNL, 2 Brightlight shows

Jan 21, 2021
Beginning January 24, 2021, ABS-CBN shows ASAP Natin 'To and FPJ: Da King will be aired on TV5.
PHOTO/S: ASAP Natin 'To / FPJ Da King / TV5

Kumpirmadong mapapanood na ang ABS-CBN Sunday variety show na ASAP Natin ‘To sa TV5 simula ngayong Linggo, January 24, 2021.

Naglabas ang ABS-CBN Corporate Communications ng official statement tungkol dito ngayong Huwebes, January 21, 2021.

Bukod sa ASAP Natin 'To, mapapanuod rin sa TV5 ang movie block na FPJ: Da King. Kasalukuyang magkasunod na mapapanood ang dalawang programa sa A2Z Channel 11.

Ang dalawang Kapamilya shows ay ilalagay sa timeslots ng tatlong blocktimer programs na nagtapos na.

Ang ASAP Natin ‘To ay mapapanuod sa timeslot ng noontime variety show na Sunday Noontime Live (SNL), na nagpalabas ng “season ender” noong Linggo, January 17.

Ang FPJ: Da King naman ay ilalagay sa timeslot na iniwan ng romance-comedy series na I Got You at ng gag show na Sunday Kada.

Ang SNL, I Got You, at Sunday Kada ay blocktimer programs na iprinodyus ng Brightlight Productions, na pagmamay-ari ng dating Negros Occidental representative na si Albee Benitez.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin nito, ang Brightlight Productions ang nagmamay-ari ng timeslots ng tatlong programa mula 12:00 noon hanggang 4:00 p.m.

COLLABORATION OF ABS-CBN AND TV5 IS "BEST OF BOTH WORLDS"

Base sa statement ng ABS-CBN Corporate Communications, mapapanuod ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King dahil sa partnership ng ABS-CBN, Cignal, TV5, at Brightlight Productions.

Ang Cignal TV ang main content provider at humahawak ng programming ng TV5.

Ayon kay Robert P. Galang, president at CEO ng Cignal at TV5, ang collaboration na ito ang simula ng “greater cooperation among various industry players and begins a new era of partnership.”

Saad pa niya, “The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible."

“We are pleased to welcome the ASAP family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5's strengths in technology, direct-to-consumer distribution, and mobile and broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribers alike.

Continue reading below ↓

“The future of entertainment media is rapidly converging around a dynamic mix of traditional and digital platforms, with Cignal and TV5 launching new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods. We are committed to continuously explore more initiatives to provide the best of both worlds to all our stakeholders.”

Unang lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, January 18, na mapapanuod na ang ASAP Natin ‘To sa TV5 simula January 24, 2021.

Patuloy pa rin namang mapapanuod ang ASAP Natin ‘To sa A2Z Channel 11 sa free TV, Kapamilya Channel sa cable, at Kapamilya Online Live at iWant TFC sa streaming.

Narito ang kabuuan ng statement ng ABS-CBN:

ABS-CBN statement on ASAP on TV5

Continue reading below ↓

SUDDEN CANCELLATION OF SNL, OTHER SUNDAY SHOWS OF TV5

Noong Sabado, January 16, naglabas ng statement ang Brightlight Productions kung saan inanunsiyo nito ang nakatakdang pag-ere ng “season enders” ng SNL at Sunday Kada noong January 17.

Replay episodes ang nagsilbing "season enders" ng dalawang programa, na walang kamalay-malay na ang kanilang January 10 episodes ay mga final shows na pala nila.

Ang I Got You naman ay nauna nang nagpalabas ng last episode noong January 10, pero ini-replay ang final episode nito "due to audience's request," ayon sa statement.

Kung kaya't pagdating ng January 17 ay pare-parehong replay episodes ng tatlong programa ang umere.

Sa report ng Cabinet Files column ng PEP.ph, ikinabigla raw ng staff at cast ng SNL at Sunday Kada ang biglaang cancellation ng kanilang mga programa sa TV5.

Sa katunayan, naghahanda na nga raw ang bawat programa para sa susunod na cycle ng kanilang tapings at rehearsals nang bigla na lang inanunsiyo ng Brightlight Productions ang desisyon nitong tapusin ang dalawang programa.

Continue reading below ↓

Sa eksklusibong panayam naman ng PEP.ph sa direktor ng SNL na si Johnny “Mr. M” Manahan, inamin niyang kahit siya ay nagulat sa biglaang cancellation ng SNL.

Nang magkausap daw sila ni Albee, sinabi ng prodyuser na hindi sapat ang kinikita ng SNL para mabawi ang expenses nito.

Humigit kumulang tatlong milyong piso ang nagagastos kada episode ng SNL.

Kuwento ni Mr. M, “Until, after one cycle or three months, he comes to us and says, ‘You know, I’m really losing money and the reality is we don’t generate a lot of money per spot because mahina ang signal ng Channel 5.

“’Tapos hirap pa tayo mag-rate. Somehow, we’re not rating as well as the first two shows.

“Hindi ba dapat he should’ve done the math? ‘I would’ve told you, talagang malulugi ka doon sa three point something.’”

Late na rin daw nang sabihin ni Albee ang desisyon nitong kanselahin ang programa dahil naghahanda na sina Mr. M para sa susunod na cycle ng kanilang taping.

Continue reading below ↓

Ang assurance ng Albee kasi, base sa kuwento ni Mr. M, tatakbo ang SNL ng hanggang March 2021 o dalawang seasons.

Nag-umpisang umere sa TV5 ang variety show noong October 18, 2020.

Humihingi pa nga raw sana ng kahit isa pang episode si Mr. M sa TV5 “para makapag-goodbye lang.”

Subalit ang naging sagot sa kanya ng TV5: “Sorry, ha. Naibigay na namin sa iba.”

Ang "iba" na tinutukoy ng Kapatid network ay ang kalabang show ng SNL, ang ASAP Natin ‘To.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beginning January 24, 2021, ABS-CBN shows ASAP Natin 'To and FPJ: Da King will be aired on TV5.
PHOTO/S: ASAP Natin 'To / FPJ Da King / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results