Cast at staff ng SNL at Sunday Kada, nagulat sa biglaang pagkansela ng shows nila

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2021
Nagpaalam na sa ere ngayong Linggo, January 17, ang musical-variety show na Sunday Noontime Live (top) at ang gag show na Sunday Kada (bottom) pagkatapos lamang ng tatlong buwan.
PHOTO/S: Brightlight Productions

Replay na ang episode ng Sunday Noontime Live na ipinalabas ng TV5 nitong Linggo ng tanghali, January 17.

Ito rin ang farewell show ng Sunday musical-variety program ng Brightlight Productions na pag-aari ni former House Representative Albee Benitez.

Ikinagulat ng mga host at staff ng Sunday Noontime Live ang desisyon ng management .

Kahapon lang, January 16, daw kasi sila sinabihan na ngayon ang huling airing ng kanilang show na tumagal lamang ng tatlong buwan sa telebisyon.

"Nagulat po ang lahat. Biglaan kasi. Kasado pa po ang rehearsals and schedules sa susunod na linggo at sa February," sabi ng isang staff member na gulat na gulat sa bilis ng pangyayari.

Nakikisimpatiya kami sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Sunday Noontime Live, na nagsilbing launching pad ng mga talented at promising young singers.

Nakapanghihinayang na nagpaalam agad ang show. Pero pinagdudahan naming hindi talaga ito magtatagal dahil Sunday Noontime Live ang pamagat nito pero madalas na pre-taped at replays ang mga episode.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon din ang huling araw sa telebisyon ng Sunday Kada, ang sketch comedy variety show ng TV5.

Tulad ng Sunday Noontime Live, nag-umpisa rin ito noong October 18, 2020 at produksiyon pa rin ng Brighlight Productions.

Pagkagulat din ang naramdaman ng cast at production staff ng Sunday Kada dahil naghahanda sila para sa kanilang taping sa January 25.

In denial ang cast ng Sunday Kada nang unang makarating sa kanila ang malungkot na balita.

Naniwala lamang sila nang makita nilang pirmado ni Benitez ang official statement na inilabas ng PEP.ph kagabi, January 16.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaalam na sa ere ngayong Linggo, January 17, ang musical-variety show na Sunday Noontime Live (top) at ang gag show na Sunday Kada (bottom) pagkatapos lamang ng tatlong buwan.
PHOTO/S: Brightlight Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results