Vice Ganda changes hosting style; admits shift to cable, digital is "ang hirap-hirap"

by Rose Garcia
Feb 3, 2021
Vice Ganda says his hosting style in It's Showtime has become more subdued: "Dati talagang all-out kami, tawanan. Wala kaming pakialam sa mundo. Pero ngayon, we have to be sensitive."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Aminado si Vice Ganda na marami ang nagbago sa kanyang hosting style.

"Alam mo, nakakabaliw gawin itong show ngayon," kuwento ng It's Showtime main host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 30, 2021, sa naganap na Zoom mediacon para sa grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" (TNT).

“Kasi, pa-evolve nang pa-evolve ang platform, ang audience, ang contestants, so kailangang sabayan mo ang evolution.

“Iyong mga ginagawa namin dati sa Showtime, maraming bagay na ginagawa namin dati, kung paano namin hina-handle ang segment, iyong show, iyong contestants na hindi namin puwedeng gawin ngayon.

"Kasi we have to consider iyong pandemic, iyong emotion ng maraming tao, iyong estado ng maraming tao.”

Dahil sa pandemya ay iba na raw ang pagbitiw niya ng mga hirit o jokes, at nalimitahan raw talaga silang mga hosts.

“Dati talagang all-out kami, tawanan. Wala kaming pakialam sa mundo. Pero ngayon, we have to be sensitive. Hindi puwedeng masyadong masaya kasi hindi gano’n ang emosyon ng mga tao. Kailangan maaral mo rin, change nang change.”

Continue reading below ↓

VICE GANDA ON ADAPTING TO CHANGE

Aminado rin si Vice na mas may pagbabago dahil napapanood na sila sa A2Z channel, ngayong walang broadcast franchise ang ABS-CBN.

“From free TV, bigla kaming cable so iba na ang audience ng cable. So ako, kailangan kong aralin. Ano ang sensibilities ng mga cable viewers, iba siya sa free TV.

"'Tapos, biglang naging digital. Ano iyong humor ng digital? Paano tinatanggap ng digital ang palabas? Anong klase ba ang gusto nilang pinanonood?

“'Tapos, biglang bumalik na naman sa free TV. Ang lala ng evolution. Ang daming changes na nangyayari araw-araw kaya nakakasuka siya sa pressure. Ang hirap-hirap, pero nakakatuwa kasi, it’s a brand-new challenge.”

Ayon din sa It's Showtime host, pinag-aralan raw niyang muli kung paano makaka-connect sa tao sa ganitong panahon. Kung paano iyong dating gamay na niya na paghu-host, may nagbago.

“For the longest time, siguro after a decade, iyong kaya kong i-host ang Showtime kahit lasing ako. Pero noong magkaroon ng ganitong sitwasyon, kailangan mag-aral ulit.

Continue reading below ↓

“Kailangan kong pag-aralan ang audience ko. Paano ang atake? Ano ba ang mga puwedeng jokes lang? Hanggang saan lang ba? Ano lang ba?

“Katulad no’ng napunta ka sa A2Z, ibang kumpanya rin ang A2Z. Iba rin ang kumpanya ng ABS. May mga bagay na puwede sa ABS pero hindi puwede sa A2Z.

“So, ang hirap-hirap niya, but it’s a learning experience, and I’m embracing the challenge.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda says his hosting style in It's Showtime has become more subdued: "Dati talagang all-out kami, tawanan. Wala kaming pakialam sa mundo. Pero ngayon, we have to be sensitive."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results