Janine Gutierrez confident about decision to be Kapamilya: "So happy to be here"

by Rommel Gonzales
Feb 7, 2021
Janine Gutierrez on decision to sign up with ABS-CBN amid the network's shutdown: "ABS-CBN will always be ABS-CBN kung anumang ang sitwasyon niya."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Bongga ang welcome kay Janine Gutierrez bilang pinakabagong Kapamilya.

Matapos siyang bigyan ng isang mainit na pagsalubong sa ASAP Natin 'To noong January 24, 2021, isang media conference via Zoom naman ang ginanap para sa kanya nitong Martes, February 2.

Ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press kay Janine: Bakit ganun na lang ang kumpiyansa at tiwala niya sa Kapamilya network?

Kung tutuusin, walang franchise ang ABS-CBN ngayon, limitado ang mga proyekto, at umeere ang mga palabas nito online at sa A2Z. Maging ang ibang mga artista ay umaalis at pumupunta sa ibang network.

Tugon ni Janine, "ABS-CBN will always be ABS-CBN kung anumang ang sitwasyon niya.

"Ako, personally, I'm amazed at how, despite the situation, ABS-CBN comes up with so much quality content, at siyempre iyong mga Kapamilya, hindi bumibitaw, di ba?

"Especially now even ASAP is on TV5, and everything is also digital online, so I feel like the opportunities are limitless din po talaga ngayon."

Continue reading below ↓

Bakas ang tuwa ni Janine sa pagiging bagong Kapamilya.

Aniya, "I'm so happy to be here talaga, as in walang biro, and I think you can see it naman, e.

"As in walang etchos, I'm really so happy to be here and to be given the opportunity to be a Kapamilya.

"At bukod sa lahat, palagi kong sinasabi na excited din talaga ako na makilala lahat ng Kapamilya pati mga Kapamilya abroad."

At sa kabila ng nangyaring shutdown at pagkakaroon ng pandemya, nanatiling agresibo ang ABS-CBN sa pagpoprodyus ng mga shows nito.

"And there are so many things happening in ABS-CBN," pagpapatuloy ng dalaga nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

"Even before I got here, iyong mommy ko nagte-taping for Walang Hanggang Paalam, my brother Diego nagsimula sa ASAP, so I'm so happy to be here, as in from the bottom of my heart.

"And I'm so thankful sa lahat ng nag-welcome sa akin.

Continue reading below ↓

"To everyone, thank you so much and I'm really so happy to be here."

Sa tingin ni Janine ay isang malaking opportunity ang makapagtrabaho siya sa Kapamilya network lalo pa't malaki ang viewership nito abroad.

"Siguro I'm at the stage din in my career na hindi na naman ako teenager, and I feel like some opportunities only come once, and I really wanted to grab this opportunity and make new projects, be part of new stories, work with new people, so ayon.

"Siguro kahit ano pa man ang sitwasyon, masaya talaga ako na nandito ako sa ABS-CBN.

"And pangarap ko din talaga makagawa ng international project and what better place to start than here, di ba?"

JANINE Gutierrez ON MAKING DECISIONS FOR HER CAREER

Ang pagiging Kapamilya ba ay personal na desisyon ni Janine o may nag-encourage sa kanya na sa ABS-CBN lumipat?

"Siguro ang natutunan ko din po sa career ko in the more recent years is...mas mabuti kung personal decision talaga lahat, and this was a personal decision.

Continue reading below ↓

"But of course I'm grateful because I have the support of my family and my friends.

"Pero parang nung medyo nakatagal na ako sa industriya, mas naging confident ako na dapat ako iyong nagde-decide para sa sarili ko kasi dun mo din talaga mapupuntahan iyong mga gusto mong puntahan, dun mo magagawa iyong projects na gusto mong gawin.

"And of course I always consider what my parents will say, iyong pamilya ko, iyong manager ko.

"Pero I'm lucky kasi palagi silang nakasuporta sa akin, and I'm happy na itong desisyon ko ay talagang naging mabuti at masaya."

JANINE ON HER ASAP NATIN 'TO WELCOME

Ang kanyang grand welcome sa ASAP Natin 'To ay pangalawang beses niyang makatapak sa bakuran ng Kapamilya network.

"It wasn't my first time to step inside the ABS-CBN lot, the last time I was here, dito sa ELJ, nag-field trip kami nung high school. Yeah, as in studio tour.

Continue reading below ↓

"Umikot kami sa Game KNB, as in studio tour!

"High school, as in naka-high-school uniform ako, inikot namin iyong mga studio.

"And then ever since, ngayon lang ako ulit nakabalik.

"So sobrang surreal that my first time inside ABS-CBN was diretso sa ASAP stage.

"So imagine mo iyong kaba ko, and parang sobrang surreal lang, and I'm so thankful lalo na sa staff ng ASAP na talagang sinalubong ako.

"And, of course, si Sir Gary, siya iyong unang pumasok sa dressing room ko, and he welcomed me personally."

Ang tinaguriang Mr. Pure Energy at isa sa mga ASAP Natin 'To hosts na si Gary Valenciano ang tinutukoy ni Janine.

"So para sa akin, sobrang laking bagay na si Sir Gary pinuntahan ako sa dressing room and he said that they were happy I was here.

"Of course, Sir Martin [Nievera], Sir Ogie [Alcasid], so I'm so thankful talaga to ASAP for parang malaking yakap iyong naramdaman ko."

Continue reading below ↓

Makakasama na rin ni Janine ang only brother niyang si Diego Gutierrez, na regular performer sa ASAP Natin 'To tuwing Linggo.

"So I'm so excited kasi I've worked with my parents, I've worked with my grandparents, pero si Diego hindi ko pa nakaka-work. And sabi ko nga, siya iyong kauna-unahang singer namin in a long time, I guess the last time, si Mamita pa.

"So siya na iyong sumunod sa pagiging singer so excited ako na puwede na akong maging audience in person sa ASAP."

Mamita ang tawag ni Janine sa lola niyang si Pilita Corrales.

JANINE'S FIRST SET OF PROJECTS AS KAPAMILYA

Kung totoo ang mga bulung-bulungan, posibleng si Janine ang gaganap bilang Valentina, ang babaeng ahas na main kontrabida sa upcoming series na Darna.

Tatanggapin ba niya kung sakaling alukin siyang gumanap bilang Valentina?

“It’s so interesting to me. Of course I’m a fan of Darna. I’m a fan of all the old films. Actually parang meron akong napanood before na iyong lola ko, nag-Valentina, e. So it's interesting.

Continue reading below ↓

“Siyempre flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto, so I don’t know, we’ll see.”

Gumanap na Valentina sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik ni Anjanette Abayari noong 1994 si Pilita.

Tungkol sa kanyang mga proyekto, ang sigurado na ay mapapanood si Janine sa ASAP Natin ‘To at uumpisahan na niya ang isang teleserye.

“Excited ako just the fact na may gagawin akong teleserye at pelikula sa ABS-CBN.”

Tapos na rin ni Janine ang bago niyang pelikula, ang Dito At Doon, ng TBA Studios na ipapalabas sa mga sinehan sa March 17.

Kapareha niya rito si JC Santos, at ito ay mula sa direksyon ni JP Habac.

Isang babaeng "no boyfriend since birth" ang karakter ni Janine.

Nasa movie rin sina Victor Anastacio, Yesh Burce, at ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on decision to sign up with ABS-CBN amid the network's shutdown: "ABS-CBN will always be ABS-CBN kung anumang ang sitwasyon niya."
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results