Royce Cabrera plays masahista in first Magpakailanman appearance

by Jerry Olea
Feb 5, 2021
Royce Cabrera on playing a masahista: “In a way, naka-relate ako sa mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ng karakter na ginampanan ko... Naniniwala rin ako na bawat isa sa atin ay handang gawin ang lahat para sa ating pamilya.”
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook

Mapaghamon ang papel ni Royce Cabrera bilang Makoy na nagtrabaho sa isang “spakol” sa episode ng Magpakailanman sa Pebrero 6, Sabado ng 8:00 p.m., pagkatapos ng Catch Me Out Philippines sa GMA 7.

Nag-e-ES (“extra service”) si Makoy sa mga baklang kustomer.

“Medyo kumplikado at hindi po naging madali kung paano ko inatake yung role,” pahayag ng bagong Kapuso actor nitong Pebrero 5, Biyernes ng umaga, via Messenger.

“Kasi, alam naman natin na isang sensitibong usapin yung trabaho o propesyon na iyon.

“Pero bilang artista, siniguro ko pong nabigyan ko, kasama ng aking mga kapwa artista, ng kabuluhan ang aming pagganap sa aming mga karakter na ipinagkatiwala po sa amin.”

Naka-relate ba siya sa karakter ng isang anak na napilitang maging breadwinner, at pasanin ang responsibilidad sa pamilya?

“In a way, naka-relate ako sa mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ng karakter na ginampanan ko,” pag-amin ni Royce.

“Kasi, naniniwala ako na halos lahat tayo ay nasa iba’t ibang sitwasyon, mahirap man o masaya, kasama ang ating mga pamilya.

Continue reading below ↓

“Naniniwala rin ako na bawat isa sa atin ay handang gawin ang lahat para sa ating pamilya.”

Kumusta ang lagay ng pamilya niya sa totoong buhay? Ano ang reaksyon nila sa pagganap niya sa ganitong mapangahas na papel?

“Nakatira po ako kasama ng mom at sister ko. Thankfully, kahit marami rin po kaming pinagdaanan nananatili naman pong maayos ang relasyon naming lahat sa isa’t isa,” lahad ni Royce.

“Masaya po kami ng pamilya ko sa tiwalang ibinigay sa akin at sa aking kakayahan na gampanan yung ganitong klaseng karakter. Thankful po kami sa tiwala at pag-alalay ng GMA at buong production sa proyektong ito.”

Ano ang mahirap niyang eksena sa episode na ito? Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kina Neil Ryan Sese, Kim de Leon, Alma Concepcion, at Rob Sy?

“Ang saya po nilang lahat katrabaho kahit na ito pa lang yung unang beses naming nagkasama-sama sa isang proyekto,” tugon ni Royce.

Continue reading below ↓

“Nagkaroon po kami ng chance makapagkuwentuhan sa set at napakarami ko pong natutunan sa kanila.

“Siguro, nahirapan ako sa eksena namin ni Sir Rob Sy. Kasi, aside from the body contact scenes, mabigat din po yung mga emosyon na hinihingi ng mga eksena.”

Anong aral ang matutunan ng televiewers sa episode na ito? “Matututunan po nila na kahit ano pang hamon ng buhay, anuman ang pagdaanan nating hirap, hinding-hindi tayo dapat sumuko para maitaguyod ang ating mga pamilya.

“Matututunan po natin ditong mas pahalagahan pa ang ating pamilya. Kasi, sa huli, sila pa rin ang sandigan at pader na laging nandiyan para sa atin.”

Nagbida si Royce sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, kung saan memorable ang laplapan nila ni Yayo Aguila.

Sensational ang threesome nila roon nina Ricky Davao at Kokoy de Santos.

Para sa pagganap niya sa Fuccbois, nagwagi si Royce bilang Best New Lead Actor sa 7th Urduja Heritage Film Awards. Na-nominate siya bilang best actor sa Gawad Urian at Young Critics' Circle.

Continue reading below ↓

Katambal ni Royce si Teejay Marquez sa Ben x Jim: Forever na mag-i-streaming umpisa Pebrero 12, Biyernes sa Upstream.

Leading lady naman ni Royce si Ella Cristofani sa third installment ng My Fantastic Pag-ibig sa GMA News TV.

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera on playing a masahista: “In a way, naka-relate ako sa mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ng karakter na ginampanan ko... Naniniwala rin ako na bawat isa sa atin ay handang gawin ang lahat para sa ating pamilya.”
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results