Teejay Marquez on falling in love with the same sex: “Okay ako doon. I’m very open.”

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2020
Actor Teejay Marquez says he does not mind falling in love with another guy: “Ako, as long as mutual yung nararamdaman namin, kahit sino ka pa."
PHOTO/S: @teejaymarquez on Instagram

“Magaling talagang magpakilig si Jerome.”

Parte ito ng papuri ni Teejay Marquez sa “ka-love team” niyang si Jerome Ponce.

Tampok ang dalawang aktor sa upcoming boys love (BL) series na Ben X Jim.

Umuusbong ngayon ang BL series sa bansa, kung saan ang bida ay kapwa lalaki bilang onscreen love teams.

Sa digital press conference ng Ben X Jim kahapon, October 13, inamin ni Teejay na hindi siya nahirapang makaramdam ng kilig kay Jerome.

Ginagampanan ni Teejay ang role ni Ben, na may itinatagong pag-ibig para sa childhood friend niyang si Jim (Jerome).

Sabi ni Teejay tungkol kay Jerome, “Sobrang galing magpakilig ni Jerome, kaya di ko na kailangan pang ipilit na kiligin. Kaya kusa na lang lumalabas.

Ulit pa niya, "Magaling talagang magpakilig si Jerome."

Ang pagiging “likable” at “admirable” daw ni Jerome ang mga katangiang nagustuhan ni Teejay.

“Lahat yata, e. Kung babae lang ako, liligawan ko iyan," biro pa niya.

Continue reading below ↓

“Sobrang sensible at saka hindi ko in-expect na very dedicated as an actor, kaya talagang nakaka-inspire siyang katrabaho.”

POSSIBLE TO FALL IN LOVE WITH THE SAME SEX

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Teejay: may posibilidad bang mahulog ang loob niya sa isang kapwa lalaki?

“Siyempre. Yes naman,” mabilis niyang sagot.

Paliwanag ni Teejay, "Wala namang pinipili yung love. Love is for everybody.

“Ako, as long as mutual yung nararamdaman namin, kahit sino ka pa, kahit ano ka pa, kung mutual at parehas tayong masaya, sige...”

Wala raw kinikilalang kasarian ang pag-ibig.

“I mean, hindi mo masasabi, e. Kapag tinamaan ka, tatamaan ka.

“So, kung kanino man iyan at sino man siya, di ba? It’s for you to find out and for you to… parang to take risk, kasi mahal mo, e.

"Okay ako doon. I’m very open.”

TEEJAY has no issue with PORTRAYING GAY ROLES

Hindi raw naiilang si Teejay sakaling tuksuhin siya sa pagganap ng gay roles.

Continue reading below ↓

Pagmamalaki ng aktor, positibo ang feedback na nakuha niya mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“If ever naman may mang-asar sa akin, wala naman sa akin iyon.

"At least, I can do my best on both worlds. Kaya kong magpakaganito kasi… I mean, I’m confident. Hindi ako naiilang.

“Wala ako doon sa masculinity, ganyan-ganyan, na mga tatak sa mga tao...

“Basta ako, I just go with the flow, I’m enjoying my life, and I’m enjoying.

“Mas marami ako napapasaya na mga tao. Iyon ang mas importante para sa akin.”

Continue reading below ↓

Ang Ben X Jim ang first full-length role ni Teejay sa BL series.

Aniya, “Nakagawa na ako sa isang pelikula, pero saglit lang. Pero ito kasi, full length.

“Kung ma-typecast man ako, well, for me, I’ll take it as a complement, kasi ibig sabihin, effective ako as an actor.

“Kung nag-e-enjoy yung tao sa akin, at gusto pa nila na gumawa ako nang gumawa ng ganito because na-enjoy nila, why not?

“For me, ibig sabihin natutuwa sila may ginagawa akong tama, kaya walang problema sa akin ma-typecast.”

Dagdag-paglilinaw ni Teejay, malaking porsiyento ng BL fans ay hindi lang miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer community.

“Parang seventy percent yata ng community fan ay puro babae, kahit sa Asia...

“So, nakakatuwa rin na may iba't ibang nagme-mesage sa akin, iba-ibang nationality, 'tapos puro girls.

“Nakakatuwa na very open… this generation is very open.”

Magsisimulang mapanood ang Ben X Jim sa YouTube account ang Facebook page ng Regal Entertainment, Inc. sa October 15.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Teejay Marquez says he does not mind falling in love with another guy: “Ako, as long as mutual yung nararamdaman namin, kahit sino ka pa."
PHOTO/S: @teejaymarquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results