John Estrada says younger co-stars are lucky to have him, other seasoned actors: “Generous kaming artista.”

by Bernie V. Franco
Feb 17, 2021
John Estrada says younger co-stars in an upcoming Kapuso teleserye are lucky because seasoned actors like him, Carmina Villarroel, and Tanya Garcia are generous in giving advice.
PHOTO/S: GMA-7

Maipagmamalaki raw ni John Estrada na masuwerte ang younger co-stars nila sa Babawiin Ko Ang Lahat, ang upcoming GMA-7 afternoon teleserye.

Si John, kasama ang iba pang seasoned actors, ay hindi raw maramot sa pagbibigay ng payo sa mga kasama nilang younger stars.

Bida sa teleserye si Pauline Mendoza, gayundin sina Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, Dave Bornea, at Therese Malvar.

Sa virtual presscon ng teleserye nitong February 16, tinanong sina John, Carmina Villarroel, Tanya Garcia, Gio Alvarez, at Tanya Gomez kung sila ba ang tipong papayuhan ang younger co-stars o hindi na lang sila makikialam.

Sagot ni John, “Mahirap namang magbigay ng unsolicited advice, ‘no.

“Siyempre, magbibigay ka ng advice kung hihingi ng advice sa ‘yo, di ba?”

Pero katuwiran ni John, kaya tumagal sila sa showbiz ay dahil generous sila sa mga nakababatang artista.

“Ako, naniniwala ako sa karma. Sabi nga ng nanay ko, ‘Ang karma, anak, kapag dito mo ginawa sa mundo ‘yan, dito mo rin pagbabayaran ‘yan.’

Continue reading below ↓

“Pag may ginawa kang kabutihan dito, dito rin babalik sa ‘yo ‘yan.

“I really believe kaya kami tumagal sa industriyang ito dahil generous kaming mga artista.

“Hindi yung alam mo nang nahihirapan yung baguhang artista, ikaw naman, e, ‘Naku, pakialam ko sa ‘yo.’

“I think that’s one of our traits kaya po kami tumagal sa industriya na ito.

“Lahat po ng cast, kasama dito si Tankee [Tanya Garcia], Miss T. [Tanya Gomez], si Gio, lalo na si Carmina.”

Pagmamalaki ni John, “Ako, I’ll probably say with confidence ito, lalo na nung nagsama-sama kami sa lock-in [taping] for one month, masasabi ko lang, sobrang suwerte ng mga batang kasama namin dahil generous kaming mga nakakatandang artista sa kanila.”

CARMINA VILLARROEL

Sa parte naman ni Carmina, maingat daw siya sa pagbibigay ng payo sa younger co-stars.

Saad niya, “Since I can sense them, I can feel them, pag nakikita ko na very open, kumbaga, if they ask me questions, that’s the time that I give or I extend help.

Continue reading below ↓

“Kasi ako, pag tumutulong ako sa mga younger stars, more of kuwento.

“Dinadaan ko sa kuwento para hindi naman sila masyadong ma-intimidate or ma-feel na parang akong teacher or nile-lecture-an ko sila.”

Ibinabahagi raw ni Carmina ang kanyang past experiences para matuto ang mga batang co-stars.

“Very nurturing kasi ako. Natural kasi sa akin na nag-aalaga ako. Para walang misunderstanding na nakikialam ako sa mga eksena.”

TANYA GARCIA

Inalala naman ni Tanya ang pakikipag-usap nilang experienced actors mga younger co-stars tungkol sa work attitude.

Lahad niya, "I remember, parang kuwentuhan lang. Nagbigay ng tips si Kuya John, ‘tapos ako rin I shared my experiences with Pauline.

“Sinabihan lang namin siya what she should expect and, of course, ang show naman, team effort naman ‘yan.

“Pero siyempre meron pa rin tayong kung sino yung bida, parang dala niya, e. Binigyan lang namin siya ng konting tips.

“And ang maganda naman sa kanya, she was really listening and nakita namin na in-apply naman yung ibinigay naming tips.

Continue reading below ↓

“Pag nakikita niya na kailangan ng tulong… para hindi makaapak.

“Baka hindi tanggapin nang maganda, baka bigla kang magsasabi lalo na kung hindi naman kayo close.”

TANYA GOMEZ

Kinatigan ito ng batikang aktres na si Tanya Gomez.

“May mga bata na tinatanggap ang turo. May mga bata na ayaw, so hindi mo na iyon uulitin,” sabi niya.

Ang ginagawa raw ni Tanya ay nakikipag-usap muna siya sa young co-stars at tinatanong kung ano ang gusto at kung saang aspeto sa pag-arte sila nahihirapan.

“Yun ang naitutulong namin sa kanila. Kasi kailangan dun sa mga bata… hindi kasi lahat is open. So, mas maganda kung open sila, lalo na’t magkakaeksena kami.

Tanya Gomez

Continue reading below ↓

“Para alam namin kung saan sila papasukin. Kung saan kami magtatagpo.

“Tinuturuan namin sila kung paano gumalang, tinuturuan namin sila hindi lang sa pag-arte.

“Kasi ang pag-arte, hindi lang artista ka marunong kang umarte. Kasi ginagamitan din ‘yan ng talino.”

GIO ALVAREZ

Sumang-ayon si Gio sa tinuran ng kanyang experienced co-actors.

“Kung matagal ka na sa industry, malalaman mo kung gaano ka-awkward magbigay ng unsolicited advice.

“Usually mararamdaman mo ang isang aktor kung accepting siya.

“Pero for a real actor, kailangan accepting ka, kasi dun lang makakapag-reciprocate ng nararamdaman mo.

Gio Alvarez

Continue reading below ↓

“Para dun sa isang artista na open, yun ang tamang actor na bigyan ng advice kung kinakailangan.

“Pag hindi naman, you let the actor be. If somebody wants our advice, then we shall give.”

Magsisimula ang Babawiin Ko ang Lahat sa February 22 sa GMA-7 afternoon block.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Estrada says younger co-stars in an upcoming Kapuso teleserye are lucky because seasoned actors like him, Carmina Villarroel, and Tanya Garcia are generous in giving advice.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results