PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel compares Julia Montes to this disrespectful young actress

Carmina promised herself not to work with a disrespectful young actress.
by Bernie V. Franco
Published Jan 28, 2021
Carmina Villarroel (center) recounts unforgettable encounter with Julia Montes (left) and another young actress she promised herself she will not work with.
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram / YouTube

Detalyadong ikinuwento ni Carmina Villarroel ang magkaibang karanasan niya sa dalawang batang aktres.

Ang isa ay pinuri niya, habang ang isa ay kinaiinisan niya at ayaw makatrabaho.

Sa PEP Live interview niya noong Martes, January 26, tinanong ng host na si Jimpy Anarcon kung may kinumpronta na ba siyang batang artista dahil sa attitude problem nito.

Nag-isip muna si Carmina bago sumagot.

Ikinuwento muna ng 45-year-old Kapuso actress ang kanyang karanasan noong siya ay 18-19 years old pa lamang.

Kakamatay lang daw noon ng ina ni Carmina.

Nakatrabaho raw niya noon ang mas batang aktres na hindi maganda ang trato sa ina nito. Kaya pinagsabihan ni Carmina ang younger actress.

Lahad niya, “Kinonfront ko siya kung papano niya tratuhin yung mommy niya. So, medyo it’s a personal thing.

“Parang confront in a way na parang pinagsabihan in a nice way. Hindi yung inaway, ah.

“Parang feeling ko, ‘You are so lucky you still have your mom.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So parang, ‘Don’t treat her that way.’ Parang yun lang ang sinabi ko.”

ENCOUNTER WITH A DISRESPECTUL ACTRESS

Sumunod na ikinuwento ni Carmina ang hindi niya magandang karanasan sa isang young actress.

Hindi raw niya pinagsabihan ang young actress, pero may ipinangako si Carmina sa sarili dahil sa inasal nito sa kanya.

“I did not confront that artistang girl. Again, hindi ko siya kinonfront,” paglilinaw muli ni Carmina.

“Parang medyo pinangako ko sa sarili ko na ayoko siyang makatrabaho, kasi medyo disrespectful siya. Dahil hindi siya marunong bumati.”

Mahalaga raw para kay Carmina ang pagiging marespeto ng mga nakababatang artista, lalo’t ganito raw ang itinuro sa kanila noong kabataan nila.

“Hindi ko talaga masyadong gusto yung pagiging disrespectful.

“I’m not saying na when you see me, you have to kiss me, but just acknowledge my presence. 'Hello po, Miss Carmina. Ako po si Ganito.' Or kahit from afar, ‘Hello!’

“Hindi ko sinasabing mag-kiss ka sa akin. But just acknowledge that I’m there na hindi naman ako parang hangin, na parang hindi mo ako nakikita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, medyo nao-off ako sa mga taong ganun, e.”

Kinagisnan daw kasi ni Carmina na bumati sa mga katrabaho, lalo na sa mga nakatatanda.

Pagpapatuloy ni Carmina, “Kasi ako, I am like that. I always say hi to everyone, whether you’re an artista, director, staff, crew.

“I always say hi. Di ko lahat kini-kiss. You know, I greet them. I say good morning, good afternoon, good evening.

“And then, pag may senior stars, especially… I go up to them at nagpapakilala ako kung hindi pa kami formally nai-introduce, o never pa kaming nagka-work.

“I don’t assume that they know me just because I’m an artista.

“I go up to them and say, ‘Hello po, ako po si Carmina,’ And they always say, ‘Of course, of course, hija, I know you.’

“But, you know, just be respectful.

“Like I said, 'yon yung lagi kong sinasabi sa mga kabataan, just be kind and respectful to one another.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ni Carmina ang pangyayari kaugnay ng batang aktres na tinutukoy niya.

“So, yun na nga, going back to my story, yung particular artista na ‘to, magkatabi na kami. Ni ha, ni ho, wala.

“As in walang hello. Parang, ‘Ano ‘yan? Bakit ganun?’ So, talagang sabi ko talaga, ‘I will never work with this artista.’”

Hindi raw sa isang teleserye sila nagkasama at hindi pa sila ulit nagkakasama.

“Hindi ko pa siya nakakasama. It was just a one-time [thing]… it was an event somewhere.”

Hindi pinangalanan ni Carmina kung sino ang aktres.

Aminado naman si Carmina na may pagkasensitibo siya sa ganitong isyu, dahil iba nga ang kanyang nakagisnan.

“Yun nga rin siguro yung isang problema sa ‘kin, na parang kung anong ginagawa ko sa ibang tao, parang… di naman sa ine-expect na gawin din sa ‘kin…

“But feeling ko, that’s the right thing to do.

"Imposibleng hindi mo ako kakilala, pero sa akin nga lang, parang bumati ka lang ng ‘Hello po,’ ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PLEASANT ENCOUNTER WITH ANOTHER ACTRESS

Dahil sa naranasan niyang ito, hindi raw maiwasan ni Carmina na ikumpara ito sa magandang karanasan niya sa isa pang aktres na taga-ABS-CBN.

Nang unang beses daw silang magkita ng Kapamilya actress na ito, hindi pa sila magkakilala, pero nagbigay-pugay raw ito sa kanya.

“Kaya ko tuloy na-compare dati… kasi may isang artistang babae na di ko pa rin nakikilala, di ko pa rin nakakatrabaho.

“But [she] went up to me and said, ‘Hello.’ And she introduced herself.

“That’s why nakita ko pa yung comparison. ‘Tingnan mo ang batang ito. Ito lumapit.’

“[She] went out of her way, ha. Hindi ko siya katabi. Nandoon siya sa kabilang end, but she still went to me kahit busy na siyang nagmi-makeup and all that.

“She still went to me and said, “Hi,’ and introduced herself. Simula nun, love ko na siya.”

Hinimok ng PEP.ph si Carmina na pangalanan ang aktres na tinutukoy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Montes,” pagbubunyag ni Carmina.

Ikinatuwa raw ni Carmina ang pangyayaring ito kaya't ipinost pa niya sa Instagram.

“Pinost ko siya sa Instagram ko kasi hindi ko pa siya… never kaming in-introduce, never kaming nagka-work pa together.

“’Tapos because of that incident, because of that small gesture that I appreciated so much, naghanap ako ng photo niya, pinost ko siya sa Instagram.

“At naglitanya talaga ako. All praises sa kanya, ‘Sana one day, you know, I can work with you, chu-chu-chu-chu-chu…’”

Dininig naman ang panalangin ni Carmina.

“Biglang dumating yung Doble Kara,” pakli niya.

Ang Doble Kara ay ang afternoon ABS-CBN teleserye na pinagbidahan nina Julia, Carmina, Sam Milby, Ariel Rivera, at iba pa. Tumakbo ito mula 2015 hanggang 2017.

Pagbibida pa ni Carmina, “Super grateful ako kasi parang it lasted parang for two years.

“So, Julia is like a little sister. So, talagang hindi ko makakalimutan yung gesture na ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nasa bakuran ngayon ng GMA-7 si Carmina. Mapapanood siya sa upcoming teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat, kung saan kasama niya sina John Estrada at Tanya Garcia.

Tampok din dito sina Pauline Mendoza, Kristoffer Martin, Therese Malvar, Manolo Pedrosa, Liezel Lopez, at Dave Bornea.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel (center) recounts unforgettable encounter with Julia Montes (left) and another young actress she promised herself she will not work with.
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results