Parehong tampok sa First Yaya ang beauty queens na sina Maxine Medina at Thia Thomalia.
Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa: alin ang mas fulfilling, ang maging beauty queen o maging isang artista?
"Naku, hindi ko masagot. Hindi ko alam," ang umpisang bulalas ni Maxine bilang reaksiyon sa tanong namin sa kanya sa idinaos na Zoom mediacon nitong Huwebes, June 24, 2021, para sa finale week ng First Yaya.
"Pero sobrang saya ko ngayon. Like, I'm so happy, I'm full, my heart is full with my work now. Especially I'm surrounded by the people that I like the most.
"Sobrang happy ko po talaga," dagdag ni Maxine, na nanalong Binibining Pilipinas-Universe 2016 at naging finalist sa Miss Universe 2016 na ginaganap sa Mall of Asia Arena dito sa Pilipinas.
Ang sagot naman ni Thia, na nagwagi bilang Miss Eco International 2018, "For me pareho!
"Hindi ito pa-flowery words ha, pero ako kasi, I join beauty pageants to help.
"But kahit artista ka, or kahit hindi ka artista, you're still able to help and during the pandemic, I was able to do a fundraiser with the help of my 'dears.'"
Ang mga "dears" na tinutukoy ni Thia ay ang mga female co-stars niya sa First Yaya na sina Sanya Lopez, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, at Cassy Legaspi.
Maging ang male lead star ng First Yaya na si Gabby Concepcion ay tumulong rin daw sa mga fundraisers ni Thia para sa mga nangangailangan ng ayuda sa gitna ng pandemya.
Dagdag pa ni Thia, "Sa ngayon masaya ako sa mga ginagawa ko dito [sa showbiz at sa GMA], and I'm hoping to explore way more with acting.
"So ayon, both maganda iyong dalawa kasi may platform ka."
Sa tingin ba nila ay may "K" o karapatan si Sanya Lopez, ang 24-year-old bida ng First Yaya, na maging isang beauty queen?
"Naku, tinatanong pa ba iyan? Tanungin natin si Sanya," sagot ni Maxine habang tumatawa.
"Pero alam niyo, puwedeng-puwede siyang sumali, if she wants to."
May mensahe pa si Maxine para kay Sanya kung sakaling magdesisyon nga itong sumali sa anumang beauty pageant.
"Nandito kami for you, Sans. If you want to join, nandito kami ni Thia to back you up."
ENJOYING SHOWBIZ
In-enjoy ni Maxine ang kontrabida stint niya sa First Yaya, at lubos ang pasasalamat niya sa manabait at masisipag na direktor nila sa show, sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.
Kuwento ni Maxine, "Actually sila talaga iyong nagli-lead sa amin, especially ako dahil this is my first time to act as a kontrabida. So iyong anger, iyong pagkainis, hindi ko talaga magawa iyon, e.
"Pero with the help of these directors, sobrang ang galing talaga, nagawa ko nang maayos."
Likewise, pinuri si Maxine ng mga nabanggit na direktor, kaya sobrang saya niya, "Coming from them, sobrang thankful po talaga ako na naibigay ko si Lorraine sa viewers."
Para naman kay Thia, na bago ang First Yaya ay napanood bilang si Faith na leading lady ni Alden Richards sa The Gift noong 2019-2020, nagdesisyon muna siyang magfocus sa showbiz imbes na sumali sa Miss World Philippines 2021.
Paliwanag ni Thia, "Well they're starting na kasi with the activities, e, hindi ako nakapaghabol sa screening and everything. So nagsabi ako sa manager ko na I'll just focus on First Yaya and being PSG Val."
Plano sana ni Thia na sumali sa naturang pageant noong 2019 pa.
Aniya, "Well, actually the plan was to join Miss World Philippines nung 2019. But with the pandemic and everything, hindi siya talaga meant to be. So hindi ko na siya talaga pinilit."
Magtatapos na ngayong Biyernes, July 2, ang First Yaya sa GMA. Pinagbibidahan ito nina Sanya Lopez bilang Melody at Gabby Concepcion bilang Glenn.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
