Lovi Poe transfers to ABS-CBN after 15 years with GMA-7

by James Patrick Anarcon
Sep 16, 2021
Lovi Poe is now officially a Kapamilya! The contract signing takes place today, September 16, after months of guessing whether she will stay or leave GMA-7.
PHOTO/S: ABS-CBN

Isa nang ganap na Kapamilya si Lovi Poe.

Pumirma ng exclusive contract ang dating Kapuso actress sa ABS-CBN ngayong Huwebes, September 16.

Lovi Poe transfers to ABS-CBN after 15 years as a Kapuso.
Video: Paul Culili.

Present sa kanyang contract signing sa ABS-CBN compound sina Dreamscape Entertainment head Roldeo Endrinal, ABS-CBN bosses Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Mark Lopez, Rick Tan, at ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.

Saad sa post ng ABS-CBN: "The guessing game is over as ABS-CBN revealed its new precious jewel, Lovi Poe."

Base sa caption, si Lovi nga ang tinutukoy ng teaser na ipinost ng ABS-CBN noong nakaraang linggo tungkol sa isang "precious jewel finding a new home."

Lovi Poe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakdang humarap si Lovi sa isang media conference ngayong araw para ianunsiyo ang unang proyektong gagawin niya bilang Kapamilya.

Ilang oras bago ang kanyang contract signing sa ABS-CBN, nag-post ng mensahe ng pasasalamat si Lovi sa GMA-7, na naging tahanan niya sa loob ng 15 taon.

Nagsimula si Lovi bilang Kapuso noong taong 2006 at nagbida sa iba-ibang teleserye ng Kapuso network.

May ilang beses ding nakatungtong sa Kapamilya network si Lovi para mag-guest sa iba't ibang ABS-CBN talk shows tulad ng Gandang Gabi Vice, The Buzz, at Magandang Buhay.

Nakagawa rin siya ng digital movie under Dreamscape Entertainment, ang Malaya, na ipinalabas sa streaming app ng ABS-CBN na iWant TFC.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe is now officially a Kapamilya! The contract signing takes place today, September 16, after months of guessing whether she will stay or leave GMA-7.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results