Kim Atienza gives heartfelt farewell message to ABS-CBN after 17 years of service

by Rachelle Siazon
Oct 1, 2021
Kuya Kim Atienza on signing off as a Kapamilya: "Mananatali sa puso ko at bababuin ang lahat ng mga natutunan at naranasan ko sa ABS-CBN sa loob ng labimpitong taon."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / TV Patrol

"Hanggang sa muli, Kapamilya. Salamat po."

Puno ng emosyon at gumaralgal ang boses ni Kim Atienza nang pormal siyang magpaalam sa TV Patrol ngayong Biyernes ng gabi, October 1

Mas kilala bilang Kuya Kim, labimpitong (17) taon ang iginugol niya bilang resident weatherman ng daily prime-time newscast ng ABS-CBN.

Kaya ramdam na hindi madali para kay Kuya Kim ang desisyong lisanin ang ABS-CBN na itinuring niyang "second home."

Matapos ang segment niya na weather forecast at trivia, binigyan ng pagkakataon si Kuya Kim na magbigay ng farewell message.

GRATEFUL TO HIS MENTORS AND COLLEAGUES

Isa-isa niyang pinasalamatan ang mga mentor at katrabaho niya na tumulong sa kanyang mapag-ibayo ang kanyang karera.

"Unang-una ang aking boss sa ABS-CBN, Ging Reyes, inalagaan at tinulungan mo akong maging mas mabuting Kuya Kim dito sa TV Patrol.

"Ang aking mentor sa entertainment at aming chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes. Salamat sa tiwala sa aking kakayanan at sa oportunidad na ibinigay niyo sa akin sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

"Ang aking kaibigan at aming president na si Carlo Katigbak, na patuloy na nagpapakita ng malasakit at inspirasyon."

Si Carlo Katigbak ang kasalukuyang president at CEO ng ABS-CBN.

Special mention din ang mga katrabaho niya sa TV Patrol na sina Noli "Kabayan" de Castro, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, at Gretchen Fullido.

TV Patrol co hosts Noli De Castro and Kuya Kim

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Kim ang Kapamilya broadcasters na sina Karen Davila at Julius Babao.

Hindi rin niya nakalimutan si Amy Perez, na kasama niya sa radio show na Sakto.

Binanggit niya ang ilan pa sa mga programa kunsaan siya napanood tulad ng Magandang Umaga Bayan; Magandang Umaga, Pilipinas; at Umagang Kay Ganda.

Ipinagmalaki rin niya ang educational show na hinost niya, ang Matanglawin, na nanalo raw ng 200 awards sa loob ng maraming taong umere ito.

Nagbigay-pugay pa si Kuya Kim sa pumanaw na TV Patrol resident weatherman na si Ernie Baron, na nagpamana sa kanya ng puwesto nito sa show.

Aniya: "Salamat, Ka Ernie Baron, dahil ipinagkatiwala mo sa akin ang isang malaking responsibilidad.

"Higit sa lahat, salamat sa inyo mga Kapamilya sa pagsubaybay at pagsuporta.

"Si Kuya kim ay di magiging Kuya Kim kung di po dahil sa inyo."

ON WEATHERING STORMS

Sa huli, sinabi ni Kuya Kim na babaunin niya ang lahat ng mga natutunan niya bilang Kapamilya.

Continue reading below ↓

"Sa paglisan ko sa istasyon na ito, na itinuring kong second home, kailanman ay hindi ako makakalimot.

"Mananatali sa puso ko at babaunin ang lahat ng mga natutunan at naranasan ko sa ABS-CBN sa loob ng labimpitong taon.

"Natutunan ko na gaano man karami at katindi ang mga bagyong dumadaan, mahalagang manatiling buhay ang pag-asa, pananampalataya sa Diyos, at pagmamahal ng Kapamilya.

"Sa ngayon, nais ko sabihin, for the last time, ang buhay ay weather-weather lang."

Kim Atienza weather forecast

Continue reading below ↓

KIM ATIENZA'S IMPENDING TRANSFER TO GMA-7

Hindi binanggit ni Kuya Kim ang napipintong paglipat niya sa GMA-7.

Pero marami sa Kapamilya viewers na nakatutok sa show ay kaagad na nagpaabot ng suporta kay Kuya Kim sa bagong yugto ng kanyang karera.

Ang mga katrabaho niyang sina Henry, Bernadette, Noli, at Gretchen ay nagpabaon din sa kanya ng mensahe na hindi nagtatapos sa show ang kanilang samahan.

At naniniwala silang posible pa ring magkrus ang kanilang landas, dahil sa si Kuya Kim na rin daw ang nagsabing, "Laging tatandaan, ang buhay ay weather-weather lang."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuya Kim Atienza on signing off as a Kapamilya: "Mananatali sa puso ko at bababuin ang lahat ng mga natutunan at naranasan ko sa ABS-CBN sa loob ng labimpitong taon."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results