Maiksi pero ramdam na puno ng emosyon si Kim Atienza sa pamamaalam niya sa ABS-CBN.
Mas kilala bilang "Kuya Kim," siya ay resident weatherman ng ABS-CBN prime-time newscast na TV Patrol mula pa noong 2005.
Gabi ng Miyerkules, September 29, nagpahiwatig si Kuya Kim ng napipintong pag-alis niya sa kanyang home network sa loob ng maraming taon.
Ipinakita niya sa Instagram ang group hug nila ng mga malapit na katrabaho sa TV Patrol: ang news anchor na si Noli de Castro at showbiz news anchor na si Gretchen Fullido.
Kuha ang litrato sa studio ng nightly newscast program ng Kapamilya network.
"No words" ang tanging caption ni Kuya Kim dito.
MESSAGES FROM ABS-CBN NEWS ROOM COLLEAGUES
Ang mga kasamahan ni Kuya Kim sa TV Patrol na sina Gretchen Fullido at Dyan Castillejo, pati na ang dati nilang kasama na si Gretchen Ho, ay may mensahe rin sa comments section ng kanyang post.
CELEBS AND MEDIA PERSONALITIES
Bumuhos din ang mga mensahe mula sa mga nakatrabaho at mga artistang kilala si Kuya Kim.
Una na rito ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez, na binigyan ng lakas ng loob si Kuya Kim.
Higit 30 taon si Korina sa ABS-CBN, pero nagpaalam siya sa mother network at inilipat ang show na Rated K (na ngayon ay Rated Korina) sa TV5 noong October 2020.
Ito ay matapos mawala sa ere ang public affairs programs ng ABS-CBN dulot ng hindi na-renew na prangkisa ng network.
Sabi ni Korina kay Kuya Kim: "Many good things must end. But many other good things never do."
Pati ang dating Umagang Kay Ganda co-host ni Kuya Kim na si Donita Rose ay nag-iwan ng mensahe sa kanya.
Saad ni Donita (published as is): "May the Lord comfort you as you begin a new journey.
"You have maximised all the potentials given to you and you have blessed so many with your life.
"Stand tall. You will be missed here but many will look forward to Gods perfect plan up ahead as well."
Ang dating news anchor ng Umagang Kay Ganda na si Pinky Webb, na nasa bakuran na ng TV5, ay nagsabing "Good luck Kuya Kim!"
Pati Kapamilya stars ay nagpaabot ng suporta sa bagong kabanata sa karera ni Kuya Kim.
Kabilang na rito ang It's Showtime hosts na sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jugs Jugueta. Mula 2009 hanggang 2016 ay co-host si Kuya Kim sa daily noontime show.
Sabi ni Vhong, "Love you Ninong @kuyakim_atienza! God bless you more!"
Dagdag ni Amy, "Continue to shine for our Lord Jesus Christ. Will always be here for you. Love you!"
Nag-iwan ng three hearts emoji si Jugs.
Ang iba pang artista na may mensahe kay Kuya Kim ay sina Angel Locsin at Ogie Alcasid.
Nag-iwan din ng emojis sina Dominic Roque, Malaysian actress Carmen Soo, at Kapuso actress na si Kakai Bautista.
NETIZENS' REACTIONS
Wala pang pormal na anunsiyo si Kuya Kim, pero noong September 28 unang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa paglipat niya ng GMA-7.
Kinabukasan, September 29, namataan si Kuya Kim sa bakuran ng GMA-7 at sinasabing nagsimula na siyang mag-taping para sa kanyang bagong programa roon.
Nasundan ito ng ulat na bukod sa isa pang di pinangalanang programa ay magiging bahagi si Kuya Kim ng GMA-7 prime-time newscast na 24 Oras simula sa October 4.
Sa kanyang social media posts noong September 28, nagpahiwatig si Kuya Kim na tutukan ang anunsiyo niya sa TV Patrol sa Biyernes, October 12. Inaahasang iyon ang huling araw niya sa programa.
Kung anu't ano man, marami sa netizens ang nakaintindi sa paglipat ng network ni Kuya Kim.
Pasok daw ang madalas na kataga ni Kuya Kim sa TV Patrol sa bagong yugto ng kanyang buhay.
Anila, "Lagi natin tatandaan, ang buhay ay weather-weather lang."
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.