Kim Rodriguez reveals the nakakabaliw part of lock-in taping

by Rommel Gonzales
Nov 3, 2021
Kim Rodriguez recounts her lock-in experience while taping for GMA-7's Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
PHOTO/S: @akosikimrodriguez on Instagram

First time ni Kim Rodriguez na maranasan ang lock-in taping, na siyang "new normal" ngayon ng showbiz.

Nagkuwento si Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lock-in o bubble-taping experience para sa bagong kabanata ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye ng GMA-7.

Aniya, "Ang greatest challenge ko, ako po kasi first time kong maka-try sa bubble taping, and siyempre bilang sobrang laking adjustment para sa aming lahat, kasi dati, M-W-F taping, uwian."

Ang tinutukoy ni Kim ay ang kadalasang taping schedule bago magkaroon ng pandemic, na tuwing Monday, Wednesday, at Friday lang, at umuuwi ang cast at crew pagkatapos.

Pagtuloy niya, "Pero ngayon kasi, malayo kami sa pamilya namin and since pandemic nga, hindi natin sure yung safety natin kasi nga hindi natin nakikita yung kalaban natin, like, kasi virus nga."

Pero ayon kay Kim, mayroon din namang magandang naidulot ang lock-in o bubble taping.

Sabi ng Kapuso actress, "Pero siyempre masaya kasi marami akong naging bagong kaibigan, naging pamilya.

Continue reading below ↓

"Pero minsan nakakatakot pa rin, kasi nga lahat naman tayo natatakot magkasakit.

"Pero blessed ako na naging part ako ng show na ito."

Hindi naman daw na-paranoid o natakot si Kim na mag-taping sa gitna ng pandemya.

Paliwanag niya, "Nung first cycle kasi namin, seven days quarantine lang so kayang-kaya pa.

"Yung second ten days na, so iyon yung nakakabaliw talaga! Kasi parang kahit nagawa mo na lahat sa quarantine parang napakahaba pa ng oras."

Maging ang quarantine period ay naging isang advantage ng lock-in taping.

"Pero siyempre, nag-script reading kami, sa buong quarantine namin nakabisado na namin yung buong script namin.

"So mas okay pa din ang lock-in kasi yung character mo, mas continuous yung character mo, hindi na na 'umaalis' bilang si Lily.

"So mas maganda rin siya."

Tampok sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye sina Klea Pineda bilang si Joyce, Lauren Young bilang si Victoria, at Jak Roberto bilang si Bruce.

Continue reading below ↓

Gumaganap naman sa serye sina Snooky Serna bilang Susan, Shermaine Santiago bilang Dr. Darla, Max Eigenmann bilang Jackilyn, Art Acuna bilang Bernard, Phytos Ramirez bilang Joshua, Mosang bilang Nay Cora, Luke Conde bilang Edwin, at si Herlene Budol bilang Alana.

Sa direksiyon ni Paul Sta. Ana at associate director na si Pam Miras, bahagi rin ng creative team ng programa sina Aloy Adlawan (Creative Director); Des Severino (Creative Head); Ken de Leon (Head Writer); Kuts Enriquez (Assistant Head Writer); Jimuel dela Cruz at Benson Logronio (Episode Writers), at Louize Al-Shehri (Brainstormer).

Ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye ay kuwentong nilikha ni RJ Nuevas at napapanood sa GMA Afternoon Prime.

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Rodriguez recounts her lock-in experience while taping for GMA-7's Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
PHOTO/S: @akosikimrodriguez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results