Kim Rodriguez settles parking issue with barangay kagawad after crying harassment

by Arniel C. Serato
Jun 6, 2021
All is well that ends well for Kim Rodriguez (left) who had a rift with Barangay Kagawad Ronnie Ortiz over parking.
PHOTO/S: Courtesy: @akosikimrodriguez on Instagram / Ronald Fuentes Ortiz on Facebook

Nagkaayos na sina Kim Rodriguez at ang nakaalitan nitong si Barangay Kagawad Ronnie Ortiz ng Concepcion Dos, Marikina City, ngayong araw, June 6, 2021.

Ito ang latest update ng aktres kasunod ng napakahaba at detalyado niyang post sa Facebook, kung saan inakusahan niya ng harassment noong Biyernes ng gabi, June 4, si Ortiz.

Sabi ni Kim sa bago niyang status (published as is), “Nagpapasalamat po ako sa Brgy Captain ng lugar namin at sa lahat ng Kagawad na nakinig at tumulong sakin di ko na po kayo iisa isahin.

“Sa mga concern at nag alala sakin maraming salamat po na appreciate ko po yun ng sobra.

“ramdam na ramdam ko po pagmamahal nyo sakin.

“Stay safe sa ating lahat at gv gv [good vibes] lang!!!”

Continue reading below ↓

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA ngayong gabi, na-interview sina Kim at Ortiz.

Inamin ng aktres na meron siyang pagkakamali tungkol sa parking.

Aniya, "Bale po yung parking ay one side parking lang po. Yung one side parking po dun po sa side ng bahay nila.

“Nakaharang po yung sasakyan ko nang mga isang dangkal po. Nakaharang, nakausli na po yung puwetan ng sasakyan ko.

“'Tapos po, inalis ko naman po kasi alam ko namang nakaharang po, e.

“Nung inalis ko nakapasok naman po siya. 'Tapos pagkaalis po niya, pinark ko po uli.

"Sabi po ni kagawad po, ‘Alisin mo iyang sasakyan mo. Alisin mo.’

"Sabi ko, ‘Sir,’ sabi ko po, ‘Kakapasok niyo lang po, kaya pinark ko po yung sasakyan ko. Kaya nakikiusap po ako na baka puwedeng dun muna ako mag-park.’

"Kasi alam naman po niya na mahirap po yung parking sa lugar namin, lalo na po sa street namin.”

Continue reading below ↓

Tungkol naman sa kuwento ni Kim na nagtawag umano ang kagawad ng mga pulis at mga lalaking naka-motor na "doorbell nang doorbell," may maikling paliwanag si Ortiz.

Unang-una, hindi raw siya nagpatawag ng pulis.

Pangalawa, yung mga lalaking nakamotor ay supporters niya.

Samantala, ang kuwento naman ng kapitan ng barangay, dati na raw may alitan ang dalawa.

Sabi ni Barangay Captain Mary Jane Zubiri-Dela Rosa, “May mga pangayari before na kinatakot din si Kagawad Ronnie ‘no dun sa mga kaibigan ni Ms. Kim, so, kaya mas gusto niya na may pulis 'no.

“Pero, kung titingnan mo yung sitwasyon, talagang overkill.”

Continue reading below ↓

Nagkaayos naman sina Kim at Ortiz.

Dagdag ng kapitan, “Nagkaroon naman sila ng amicable settlement ‘no na hindi na magba-block ng driveway si Miss Kim Rodriguez.

“Tinanong ko siya kung ano ang gusto mong mangyari ‘no, kung gusto niyang, magpa-file ba siya kasi na-harass siya?

“Pero nung dumulog nga siya dito sa aming barangay, openly, gusto niyang makipag-ayos.”

Humingi naman ng dispensa si Ortiz kay Kim.

Saad niya, “Miss Kim, ako ay saludo rin po sa inyo. Pasensiya ka na sa aking pagkukulang. Sana po ay maging maayos na po tayo dun.”

Continue reading below ↓

Humingi rin ng tawad si Kim sa kagawad.

Sabi niya, “Wala po akong masasabi kundi pasensiya, pasensiya kasi alam ko pong mali ako, nag-block ako ng driveway niyo, pero sana po hindi na maulit kahit hindi lang sa akin, kahit sa ibang tao na.”

“ALL IS WELL THAT ENDS WELL”

Sa Facebook ni Ortiz, idinetalye niya ang nangyari.

Ayon pa sa kanya, na-realize rin daw ni Kim na meron siyang pagkukulang kaya nagkaroon sila ng sigalot.

Narito ang buong post ni Ortiz:

“Magandang tanghali po sa lahat, sa mga NAKABASA po ng post ni Miss KIM RODRIGUEZ sa FB po niya, nagpunta po ng barangay si Miss KIM RODRIGUEZ para ayusin po ang naging problema sa blocking the driveway, na realize po niya na may pagkukulang po siya, tinangap ko naman po ng maluwag kahit na nasira na po ako at ang aking pamilya, nag pasensya po siya sa akin kaharap ang aming kapitan at mga kagawads.

Continue reading below ↓

“Sa lahat po ng naniniwala at nag depensa po sa akin maraming maraming salamat po, sana po na maging aral po sa lahat na wag pong padalos dalos kung hindi rin po alam ang totoo at buong nangyari.

“ALL IS WELL THAT ENDS WELL SALAMAT PO ANG INYONG LINGKOD KAGAWAD/KAP. RONNIE ORTIZ”

Continue reading below ↓

Narito ang bersiyon ng kuwento ni Barangay Kagawad Ortiz:

RELATED STORY

KIM'S DELETED FACEBOOK POST

Binura na ni Kim ang mahaba niyang Facebook post, pero may mga netizens na nakakuha ng screenshot nito.

Panimulang kuwento ni Kim, “Hindi talaga ako nagpopost ng ganito, sorry long post. Dapat positive lang lagi at masaya.

“Di ako makatulog sa nangyari kanina (crying emoji) natatakot ako na baka mamaya may mag-ikot na naman na mga nakamotor sa labas ng bahay namin.

“Di ko talaga tanggap yung ginawang pangha-harass sa akin ng brgy kagawad namin..."

Para kay Kim, "simpleng parking lang naman problema."

Gaya ng sinabi niya sa 24 Oras, "lumagpas lang nang konting-konti yung puwetan ng sasakyan ko sa gate nila, inalis ko naman nung pumasok siya.

“Tinanggal ko sasakyan ko dahil nakaharang nga ako, nakiusap ako na ipark ko doon dahil walang nang parking. Sigaw siya nang sigaw na alisin mo sasakyan mo!"

Pero "sinugod" daw si Kim ng pamilya ni Ortiz at sinabihan ng isa sa anak na "tigilan ko kadramahan ko, na walang arti-artista."

Continue reading below ↓

Himutok ni Kim, "Pati trabaho ko dinamay, nasaktan ako sa mga sinabi nila 'tapos vinivideohan pa nila ako (three crying emojis) grabe yung dinanas ko, grabe yung masasamang narinig ko ng dahil sa parking lot na iyan!”

Ang latest project ni Kim ay ang The Lost Recipe, na umere sa GMA News Tv at GTV mula January 18 hanggang March 31, 2021.

GROUP OF MEN RIDING MOTORCYCLES, POLICE

Pero hindi raw doon nagtapos ang alitan.

Dito na papasok yung kuwento tungkol sa mga naka-motor na "doorbell sila nang doorbell" kaya "natatakot" raw si Kim dahil mag-isa siya noon sa bahay.

Tungkol naman sa pagdating ng mga pulis, ang sabi ni Kim, "...pakiramdam ko may krimen akong nagawa...Sobra yung takot ko, ang daming pulis sa labas ng bahay namin (three crying emojis) 'tapos nagme-megaphone na sila para lumabas ako (three crying emojis)..."

Narito ang kabuuang post ni Kim.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All is well that ends well for Kim Rodriguez (left) who had a rift with Barangay Kagawad Ronnie Ortiz over parking.
PHOTO/S: Courtesy: @akosikimrodriguez on Instagram / Ronald Fuentes Ortiz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results