Watch Now

Yam Concepcion thrills fans in rare public appearance at Florida event

by Paul Mata
Apr 4, 2022
yam concepcion
Kapamilya actress Yam Concepcion chats with a young beauty queen during the 2022 Philfest event, a weekend event of Philippine Cultural Foundation Inc (PCFI) in Tampa, Florida.
PHOTO/S: Paul Mata

TAMPA, FLORIDA — ‘"Grabe! Nakaka-miss naman ito! Alam niyo ngayon lang ako nag-show ulit," mangigyak-iyak na banggit ni Yam Concepcion sa isang event na ginanap sa Tampa, Florida, noong April 2, 2022.

Si Yam ang inbangan ng karamihan ng Pinoy sa 2022 Philfest event, isang weekend event ng Philippine Cultural Foundation Inc (PCFI) kung saan nagtitipon ang iba’t ibang Filipino organizations sa Florida.

Ito rin ang unang showbiz event ni Yam matapos siyang ikasal noong Hulyo 2021 sa non-showbiz boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng.

Read: Yam Concepcion marries longtime boyfriend in New York

Ang 33-year-old actress ay naka-base na ngayon sa New York, kung saan nagtatrabaho ang kanyang mister bago pa man sila ikasal.

“Masaya, masaya,” banggit ni Yam nang tanungin siya ng host na si DJ Tara ng TFC tungol sa married life niya.

“So, hindi ako open sa social media about my personal life.

"But since I’m here, I got married July 24 last year. I just wanna share my joy also to you guys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man dumating ang Kapamilya actress, may build-up na sa kanyang pagdating kung saan tinatanong ang mga masugid na nanonood ng mga teleserye niya sa The Filipino Channel (TFC) tulad ng Halik at Init sa Magdamag.

Nang tanungin naman kung may plano pa siyang gumawa ng mga teleserye kahit ikinasal na siya, mabilis na sagot ni Yam, “Meron pa rin po.”

Batid ang saya ni Yam na napaligaya niya ang mga Pinoy na nag-abang sa kanyang pagdating kahit na inuulan ng panahon na tumuntong siya sa stage.

Ilan sa mga kinanta ni Yam ay ang "Zombie" ng The Cranberries, "Thank You" ni Dido, at "Torete" ng OPM band na Moonstar88.

Pagkatapos ng kanyang performance, nagkaroon ng photo-op sa ilang mga Pinoy-based Florida beauty queens. Binigyan pa siya ng isang fan ng isang drawing na ikinasaya naman ng aktres.

yam concepcion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Yam Concepcion chats with a young beauty queen during the 2022 Philfest event, a weekend event of Philippine Cultural Foundation Inc (PCFI) in Tampa, Florida.
PHOTO/S: Paul Mata
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results