Watch Now

GomBurZa, MAJOHA trending on Twitter after PBB teen housemates fail to answer history questions

by Nikko Tuazon
Apr 11, 2022
PBB, Gab, Kai
"GomBurZa" and "MAJOHA" become trending topics on Twitter after Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates Kai Espinido and Gab Skribikin fail to answer questions about Philippine history.
PHOTO/S: Screengrab from PBB / ABS-CBN

Trending topic ngayon sa social media ang "GomBurZa" dahil sa maling sagot ng mga Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates sa tanong tungkol sa tatlong paring martyr.

Sa episode ng Kapamilya reality show nitong Sabado, April 9, 2022, ipinalabas ang ikalawang bahagi ng history quiz challenge ng labindalawang teen housemates na bahagi ng weekly task at immunity challenge.

Sa round 4 ng challenge ay nagtunggali sa kanilang nalalaman sa Philippine history ang mga housemates na sina Kai Espinido, 18, at Gab Skribikin, 19.

Trending ang video ng dalawa nang tanungin sila tungkol sa GomBurza ng PBB host na si Robi Domingo na nagsilbi ring "history teacher" nila nung araw na iyon.

Ang tanong ni Robi: "Ang tatlong Catholic priests na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na hinatulan ng kamatayan noong panahon ng Kastila ay mas kilala sa tawag na ____."

Unang pumindot ng buzzer si Kai ngunit nahirapan ito sa tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot nito, "MarJo... Hindi, wait lang, nakalimutan ko yung mga apelyido. Wait lang po, mahina po talaga ako sa..."

Sumubok din si Gab na sagutin ang tanong ngunit mali rin ang sagot nito.

Sabi ng dating MNL48 member, "MarJo... Ay, MaJoHa?"

Biro naman ni Robi nang marinig ang maling sagot, "Majoha [mabaho] ba ako? Hindi naman ako majoha [mabaho]."

Sa pagtutok ng camera sa ibang teen housemates, makikita naman si Maxine Trinidad, 18, na binibigkas ang tamang sagot na "GomBurZa."

Sa Facebook, umabot na sa mahigit 2.1 million ang views ng video kung saan sinagot nina Kai at Gab ang tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, ilang history questions pa ang sinagot nina Kai at Gab.

Ang unang tanong ni Robi ay kung ano ang palayaw ni Jose Rizal.

Si Kai ang unang pumindot ng buzzer ngunit mali ang sagot nito na "J. Rizal."

Nakuha naman ni Gab ang puntos nang maibigay nito ang tamang sagot na "Pepe."

Isa pang naging trending ay ang sagot ni Gab sa tanong ni Robi kung ano pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nagdudugtong sa Samar at Leyte.

"SLEX" ang naisagot nito.

Si Kai naman ang nakakuha ng tamang sagot na "San Juanico Bridge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bandang huli, si Kai ang nanalo sa round four nang sumagot ito ng Emilio Aguinaldo sa tanong ni Robi kung sino ang bayani na nasa limang piso.

NETIZENS REACT

Nitong Lunes, April 11, 2022, umani ng samu't saring reaksiyon ang mga sagot nina Kai at Gab sa kanilang history quiz bee.

Bukod sa "GomBurZa," naging trending topic din sa Twitter ang "MaJoHa," "SLEX," at maging si Robi.

GomBurZa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinoy Bog Brother Kumunity Season 10 teen housemates

Pinoy Bog Brother Kumunity Season 10 teen housemates

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi mawari ng ilang netizens kung bakit mali ang naisagot nina Gab at Kai sa tanong tungkol sa GomBurZa gayong isa umano ito sa pinakamadaling matandaan sa Philippine history.

Tweet ng netizen na si @cosmoses__, "GomBurZa is literally the easiest thing u would know in Phil history. Nakaka disappoint. Pero kung k-drama yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation. could easily forget our history."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinadismaya rin ito ng Twitter user na si @indiohistorian.

Aniya, "150 years after the martyrdom of the GOMBURZA, they have been renamed as MAJOHA. [emoji] We have so much work to do. It’s not just Martial Law. If we let things be w/ people never making sense of the whys of history, some troll will fill the gap for them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panawagan naman ng Twitter user na si @abrillrossa, "GomBurZa to MaJoHa, San Juanico Bridge to SLEX... Open the schools deped [sad emoji]"

Idinaan naman ng ilan sa memes ang kanilang reaksiyon nang mapanood ang video nina Gab at Kai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"GomBurZa" and "MAJOHA" become trending topics on Twitter after Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates Kai Espinido and Gab Skribikin fail to answer questions about Philippine history.
PHOTO/S: Screengrab from PBB / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results