Brenda Mage bids showbiz goodbye: "Nakapag ipon na rin kahit papano."

by Arniel C. Serato
Mar 23, 2022
Brenda Mage quits showbiz
Comedian Brenda Mage jokes about his Dior bag: "PS: Bitbit ko dati karton at kulambo… ngayon naka-Dior (fake din naman) na pero anjan pa rin ang kulambo haha at naka-airplane na ko, dati barko hehe.”
PHOTO/S: Courtesy: @iambrendamage on Instagram

Magpapaalam muna sa mundo ng showbiz ang komedyante at dating Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate na si Brenda Mage.

Sa kanyang Instagram noong Lunes, March 21, 2022, ibinahagi ni Brenda ang kanyang larawan habang nasa airport.

Sa caption, sinabi ni Brenda na pauwi siya sa kanilang probinsiya sa Misamis Oriental dahil nakamit na niya ang kanyang pangarap maging celebrity.

Saad ng 3rd runner-up ng Miss Q & A InterTALAKtic 2019 ng It’s Showtime: “Bye for now Manila… after 15years of staying here since 2007, I was only 17yo starting to pursue my Dreams to become a Celebrity haha….

“Makakauwi na ko ng probinsya maybe not for good pero matatagalan talaga… nakapag ipon na rin kahit papano time to focus for my family and future naks hahaha….

“Goodbye Showbiz muna mejo natupad na rin lahat ng pangarap ko sa showbiz industry


"• Teleserye
"• Movie
"• ASAP
"• MMK
"• Its Showtime
• PBB
"• Ms Charo Santos Interview
"• Boy Abunda Interview
"• Toni Gonzaga interactions
"• Celebrity Friends"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hindi na lang daw niya natupad pa ay ang makilala nang personal si Kris Aquino.

Unti-unti na rin daw niyang nakakamtan ang pangarap niyang magkaroon ng bahay ang kanyang mga kaibigan.

Saad ni Brenda, “Yung makaharap si Ms Kris Aquino yun lang ata ang pangarap ko na Hindi natupad waaah

“Yung pangarap ko na mga friends ko would have their own happy life too may bahay na rin sila at yung iba narenovate na rin nila AKO NAMAN at di mangyayari yan kung hindi dahil sa tulong ng mga viewers namin….

“Goodbye city life… Back to province life.

“Thank you for all the memories and to all my friends kayo nalang punta sa amin pag nakaluwag luwag sagot ko na charot…”

Nagpasalamat din si Brenda sa kanyang supporters at umaasang patuloy siyang susuportahan ng mga ito kahit wala na siya sa limelight.

Hinikayat din niya ang ibang magsikap upang matupad ang kanilang mga pangarap. Wala naman daw imposible sa tulong ng Maykapal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, balik na rin siya sa totoo niyang pangalan.

Lahad ng kontesera sa gay beauty pageants, “To all my Supporters im hoping for your continues support hehe kahit nasa Probinsya na po ako.

“Thankyou po Lord for giving me the Chance to make my Dream inti Reality..Tapos na ang aking pansariling Pangarap balik na sa Simpleng Buhay...

"NOTHING IS IMPOSSIBLE IF YOU BELIEVE IN YOURSELF AND TRUST GOD…

“This is Brenda Mage sayin ‘Wag mong hayaan ang iyong pangarap ay manatiling pangarap’ back to Bryan Roy Tagarao.”

Pagtatapos pa niyang biro: “Ps: Bitbit ko dati karton at Kulambo…ngayon naka Dior (fake din naman) na pero anjan pa rin ang Kulambo haha at naka Airplane na ko dati Barko hehe”

View this post on Instagram

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)

Naging kontrobersiyal si Brenda habang nasa loob ng Big Brother house dahil sa double meaning na biro niya sa kapwa housemate na si Eian Rances.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Brenda Mage jokes about his Dior bag: "PS: Bitbit ko dati karton at kulambo… ngayon naka-Dior (fake din naman) na pero anjan pa rin ang kulambo haha at naka-airplane na ko, dati barko hehe.”
PHOTO/S: Courtesy: @iambrendamage on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results