Watch Now

Marian Rivera recounts mishap in Dyesebel: “Akala ko mamamatay na talaga ‘ko.”

by Bernie V. Franco
Apr 19, 2022
marian rivera
In 2008, Marian Rivera starred in the Kapuso primetime series Dyesebel. Marian shares an incident while taping wherein she feared for her life: "Parang feeling ko, sabi ko, ‘Ah, wala na, mamamatay na ako nito.”
PHOTO/S: YouTube (The Celeste Tuviera Channel)

Inalala ni Marian Rivera, 37, ang isang insidente sa teleseryeng Dyesebel kung saan nanganib ang kanyang buhay.

Inakala raw noon ni Marian na katapusan na niya.

Pero ang pangyayaring iyon din daw ang nagbukas ng pagkakataon para bigyan ng pagkakataon si Dingdong Dantes, 41, na ligawan siya.

Ang Dyesebel ay ang 2008 Kapuso primetime series na pinagbidahan nina Marian at Dingdong.

Sabi ni Marian, sa teleseryeng ito talaga nagsimula ang pagkakamabutihan nila ni Dingdong.

Bago ang Dyesebel, nagkapareha na sina Marian at Dingdong sa teleseryeng Marimar noong 2007.

Nang simulan daw nila ang Dyesebel, sinabi ni Marian na nagpaparamdam na sa kanya si Dingdong pero hindi niya ito pinapansin.

Inamin din ni Marian na hindi raw talaga niya “bet” noon si Dingdong.

marian rivera

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARIAN REVEALS SHE ALMOST DROWNED

May isang pagkakataon daw sa taping ng Dyesebel na nakita ni Marian ang kabutihan ni Dingdong at pumayag na siyang ligawan ng aktor.

“Mula umaga hanggang madaling-araw nakalubog ako sa tubig for Dyesebel.

“Wala akong reklamo nun. Kahit nanginginig ako, kailangan naming tapusin ang eksena namin,” simulang kuwento ng Kapuso Primetime Queen sa YouTube video ng celebrity make-up artist na si Celeste Tuviera noong April 9, 2022.

Nagsusuot noon ng buntot si Marian bilang si Dyesebel, isang sirena.

“Sa buntot kasi silicon kasi siya so kailangan mo siyang lagyan ng weights para lumubog ka sa dagat.

“So, nilalagyan nila ako nun. So, merong isang nag-aalalay sa akin.

“Rolling, ibabagsak nila ako sa tubig, isang camera lang.”

Kakaripas naman sa paglangoy palayo ang umaalalay kay Marian para simulan ang pagkuha sa eksena.

“Mag-isa ako sa dagat. Hindi nila nakita na may along parating.”

Natangay raw ng alon si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Inalon ako ng dalawa, tatlong beses.

“Feeling ko katapusan ko na. Feeling ko madededo na ako.”

Bagamat mahusay siyang lumangoy, hinihila siya pababa ng nakakabit na weights sa kanyang buntot.

“Hindi ko matanggal yung buntot ko. Although pag tinanggal ko yung buntot ko, naka-panty lang ako. So, deadma na ako.

“Di ko matanggal yung buntot ko. So, inalon ako.”

Doon na raw kumilos si Dingdong.

“Nagalit si Dong. Tumalon siya, ‘tapos almost to sagip, pero siyempre, may mga diver naman.

“’Tapos kinuha niya ako na para akong bata. Nilagay niya ako sa boat yata yun.”

Pasigaw raw humingi ng towel si Dingdong sa crew at ibinalot ito kay Marian.

“Niyakap niya ako. Sabi niya, parang, ‘Are you okay?’ So, umiiyak na ako.

“Akala ko mamamatay na talaga ako," kuwento ni Marian.

Sundot na tanong ni Celeste: “Nakalunon ka ng tubig?”

“Lahat, as in…” ani Marian na nagmuwestra na nag-struggle siya para makahinga dahil marami na siyang nainom na tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na. Wala na. Parang feeling ko, sabi ko, ‘Ah, wala na, mamamatay na ako nito.”

Pinagsabihan daw ni Dingdong ang crew matapos ang insidente.

“So nagalit siya, ‘Bantayan niyo. Hindi niyo ba nakikita may ganyan, ganyan, ganyan…’”

Sabi pa ni Marian, “Dun na nagsimula. Parang dun ko nakita na, ‘Ah, mabuting tao siya.’

“Pag may nangyari palang masama sa akin, masasaktan pala siya.

“So, dun nagsimula na, ‘Ay, mabait naman pala si Koya.’”

Pagkatapos daw noon ay binigyan na niya ng chance si Dingdong na ligawan siya.

Nag-propose si Dingdong kay Marian noong August 9, 2014 pagkatapos ng limang taong relasyon.

Ikinasal sila noong December 30, 2014.

May dalawa na silang anak—sina Zia, 5, at Ziggy, 2.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2008, Marian Rivera starred in the Kapuso primetime series Dyesebel. Marian shares an incident while taping wherein she feared for her life: "Parang feeling ko, sabi ko, ‘Ah, wala na, mamamatay na ako nito.”
PHOTO/S: YouTube (The Celeste Tuviera Channel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results