Watch Now

Lianne Valentin steamy love scenes with Zoren Legaspi in Apoy Sa Langit reaches 12M views

by Rommel Gonzales
Jun 25, 2022
lianne valentine zoren legaspi apoy sa langit
Lianne Valentin, who plays a mistress in Apoy Sa Langit, says she will never allow herself to be the third party in a relationship: “Siyempre, hindi po. Because every woman deserves someone who can love them wholeheartedly and without limits.”
PHOTO/S: @lianne.valentin on Instagram

Hindi makapaniwala ang baguhang aktres na si Lianne Valentin na umabot sa 12 million views sa YouTube ang steamy love scenes nila ni Zoren Legaspi sa Kapuso drama series na Apoy Sa Langit.

“Unexpected po ang pag-viral niya. Na-shock na lang po ako at kaming lahat nung nag-reach ito ng twelve million views in two days.

“But I guess that's a good thing po and I’m happy with the outcome. Tumalon yung puso ko!” pahayag ni Lianne sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sa pamamagitan ng email, nitong Biyernes, June 24, 2022.

Sumagi ba sa isip ni Lianne na baka pagselosan siya ng misis ni Zoren na si Carmina Villarroel sa mga maiinit na eksena nila ng aktor?

Sagot niya, “Hindi po, kasi naniniwala ako na they've been in the business for a very long time to understand these kinds of scenes.”

Ano ang naging reaksiyon ng parents o pamilya ni Lianne sa pagpapaka-daring niya sa Apoy Sa Langit? Pinagbawalan ba siya ng mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Beforehand, alam na po ni Mommy na medyo daring and sexy, pero mas nagulat siya nung lumabas na yung initial trailer ng Apoy sa Langit.

“Doon po siya napasigaw ng 'Anak!!!'" kuwento ng Sparkle artist.

NO TO BEING A MISTRESS

Sa tunay na buhay, ano ang gagawin ni Lianne kapag nalaman niyang may asawa na pala ang karelasyon niya?

“Easy lang po. I need to let go of that person and hiwalayan yung person and move on. Kahit mahirap and masakit. Ouch!” saad niya.

Pero kapag mahal niya nang sobra ang isang lalaki, may tsansa bang pumayag siyang maging mistress o kabit?

“Siyempre, hindi po," sagot ni Lianne.

“Because every woman deserves someone who can love them wholeheartedly and without limits.”

Kapag si Lianne naman ang misis at nalaman niyang may kabit ang mister niya, ano ang gagawin niya?

“Kung ganun, puwes, abangan niyo ang ending ng Apoy sa Langit dahil yun ang gagawin ko sa kanya,” pambinitin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano na ang pinakagrabeng nagawa niya nang dahil sa pag-ibig?

“Nagpaka-tanga! Lahat naman po tayo nagiging tanga dahil sa pag ibig. Ouch!”

TROPANG POTCHI DAYS

Co-stars sina Lianne at Bianca Umali sa Tropang Potchi, ang children’s show ng GMA na umere noong 2009. Naging friends ba sila? Nagba-bonding pa ba sila hanggang ngayon?

“Ah, si Bianca, yes po naging close kami nung Tropang Potchi days.

“Nakakatawa kapag nakita niyo po ang mga pictures namin nung bata pa kami!

"But siyempre, as you get older, meron na tayong tinatahak na kanya-kanyang daan. Pero we're still friends," aniya.

Ano ang masasabi ni Lianne na mula sa Tropang Potchi ay isa na siyang ganap na dalaga at leading lady sa isang mapangahas na teleserye?

“Hindi po madali, kasi matagal ko pong hinintay ang ganitong klaseng role and opportunity.

"Hindi rin po ito biglang bumagsak sa palad ko, pinaghirapan ko po ito nang sobra sa audition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I gave my very best as in 200 percent best for this.”

Ano ang mga ginagawa niya upang hindi masira ang tiwala sa kanya ng Sparkle at GMA management?

“I’m doing my best to perform in every scene and project para makita po nila na hindi po sila nagkamali sa’kin and that I’m worth it po,” sabi ni Lianne.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin, who plays a mistress in Apoy Sa Langit, says she will never allow herself to be the third party in a relationship: “Siyempre, hindi po. Because every woman deserves someone who can love them wholeheartedly and without limits.”
PHOTO/S: @lianne.valentin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results