Sinimulan na ng Advanced Media Broadcasting System Inc. o AMBS ang kanilang test broadcast para sa nalalapit na pagbubukas ng nasabing TV station.
Ang AMBS ay pag-aari ng business tycoon at former Senate President Manny Villar.
Nitong weekend, naglabas ang official Facebook page ng Wowowin ni Willie Revillame ng larawan ng color bars na siyang senyales ng mga istasyon ng telebisyon bago sila umere.
Makikita sa larawan ang mga nakasulat sa monitor na "ambs2 TEST BROADCAST."
May lumabas ding 30-second station ID na nagpapakilala sa istasyon.
Maririning sa voice-over ang mga salitang: “Sama-sama sa pagbagon. Sama-sama sa pag-angat. AMBS, Kasama ng bawat Pilipino.”
Pebrero 2022 pa dapat nagsimulang sumahimpapawid ang AMBS ngunit naurong ito.
Ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na nag-renew ng kanyang kontra sa GMA Network si Willie.
Read: Willie Revillame, GMA-7, maayos ang paghihiwalay
Siya umano ang napipisil na maging top executive ng istasyon ni Villar.
Malaki ang magiging partisipasyon ni Willie sa pamamahala sa bubuksang network kaya ipinagkatiwala sa kanya ni Villar ang pag-iisip ng mga concept para sa programming ng AMBS.
Kabilang din si Willie sa mga magdedesisyon sa mga programang ilalagay at sa mga artistang kukunin ng network.
Read: Willie Revillame, top executive ang puwesto sa TV network ni Manny Villar?
Kaugnay nito, ikinatuwa ng netizens ang larawan ni Willie kasama si Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzalez sa pag-aakalang hudyat na ito ng pagre-recruit ng TV host ng talents.
Read: Willie Revillame visits Aga Muhlach and Charlene Gonzalez; is Willie wooing friends to AMBS?
January 25, 2022, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na naipagkaloob na ang Channel 2 frequency sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ni Villar.
Bahagi ng pahayag ng NTC: “After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS.
“This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023.
“The temporary assignment was granted to ensure service to both analog and digital TV signal users as the country transitions to full digital TV.”
Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies
Ito ay matapos tuluyang ibasura ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN noong July 10, 2022.
