Watch Now

Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

by Rose Garcia
Jul 2, 2022
Ruru Madrid
In hindsight, Kapuso actor Ruru Madrid realizes that all the hardships and struggles that he went through during the course of all pre-production preparations for his breakthrough GMA-7 fantaserye, Lolong, were all worth it. He says, "Worth it lahat ng pagsubok."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

Taong 2019 pa raw ang huling teleserye na ginawa ng Kapuso actor na si Ruru Madrid, ang TODA One I Love.

Noon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya ang bagong GMA-7 prime-time series na Lolong, pero inabot ito ng tatlong taon bago natapos, dahil sa pandemya at sunod-sunod na aberya.

Kuwento ni Ruru, “Naalala ko noon, magsu-shoot na sana kami ng vlog, biglang binagyo po ang studio, binaha, hindi natuloy.

“Then, magsu-shoot na sana kami for our first taping, biglang may nag-positive. So, ang dami po na mga ganoong struggle.”

Inamin ni Ruru na umabot na raw siya sa puntong inisip niyang mag-quit na lang sa kanyang showbiz career.

Aniya, “Umabot sa point na nawalan po ako ng gana sa career ko. I felt that maybe, this is not the right career for me.

"Maybe hindi talaga ito ang tama na para sa akin. Parang gusto ko nang bumalik sa pag-aaral nung mga panahon na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Then nag-pray lang ako. Ang daming mga taong naniniwala sa akin.

"Ang daming mga tao na nagsasabi sa akin na, ‘Hindi Ru, kaya mo iyan. Ang tagal mo nang hinintay iyan. Ngayon ka pa ba susuko?’”

Dugtong pa niya, “This is actually my 10th year in show business at ito po ang project na binigay sa akin.

“I’m just very lucky to be part of this project at ganito po kaganda ang materyal namin.

"Ganito po kagagaling ang bumubuo ng cast and at the same time, ang director po namin, this is his first ever project sa TV na siya po ang main director.

"At hindi po magiging ganito kaganda ang programa na ito kung hindi po dahil kay Direk Rommel Penesa."

RURU CLARIFIES MISCONCEPTION ABOUT LOLONG ROLE

Binigyang linaw rin ni Ruru na bilang si Lolong ay wala raw katotohanan na mapapanood din siya bilang isang buwaya.

Natatawang paliwanag niya, “Ang mga Atubaw ay lahi po ng mga tao. Namuhay sila nang matagal na kasama po ang mga buwaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At dahil sa tagal na iyon, nakukuha nila ang ibang abilidad ng mga buwaya, which is, makapagpagaling ng kani-kanilang mga sugat.

“Marami akong nababasa sa social media na nagta-transform daw ako rito. Magiging buwaya raw po ako, pero fake news po yun, hindi po totoo yun

“Ang mga Atubaw po, hindi sila nasusugatan. Kumbaga, mabilis pong gumaling ang mga sugat namin. Yun po ang mga Atubaw.”

RURU'S DEEPER TAKE ON STORY

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru kung paano niya tinitingnan ang seryeng Lolong sa buhay niya ngayon at sa kabuuan din na nangyayari ngayon sa bansa.

Paano magsisilbing "englightenment" ang kuwento nito sa mga manonood?

Mahabang tugon niya, “Personally, malaki po ang pinagbago ng buhay ko because of Lolong.

“Kahit hindi pa po siya pinapalabas, napakarami ko pong natutunan sa proyektong ito habang ginagawa po namin.

“Sabi ko nga noon habang ginagawa namin ang Lolong, hindi ko gaanong pinapahalagahan kung ano ang meron ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But because of this project, sobrang bumalik ang fire, sobrang bumalik ang passion ko.

"Yung commitment ko sa trabaho ko, naibalik po ng show na ‘to dahil po sa mga problema at pagsubok po na pinagdaanan po namin dito. Natuto po ako, tumibay po ako.

"Kaya sabi ko nga, kahit anong pagsubok ang pagdaanan ko, alam kong kakayanin ko dahil kinaya ko, e. Kinaya ko po rito sa Lolong.

“At katulad nga po ng sinabi ko, lahat po ng nangyari sa akin noon, umabot sa point na sumusuko na ‘ko, pero worth it, worth it lahat ng pagsubok.

“At doon ko na-realize na kaya tayo sinusubok, para hindi natin i-take for granted kung ano meron tayo.

"Para mahalin natin kung ano ang meron tayo at hindi natin hahayaan na mawala basta-basta.”

Kung ire-relate naman daw ang kuwento nito sa nangyayari sa bansa ngayon, naniniwala si Ruru na may malaking mapupulot dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Naniniwala po ako na malaki rin po ang maiaambag sa ibang bansa. Ita-tackle po rito ang of course—mga nangyayari sa ating bansa like corruption, pagsira sa kalikasan.

“Kumbaga, yung mga ganid sa kapangyarihan, marami pong ganoon na maipapasok po sa programa po na ito.”

Sabi pa niya, “Para po sa mga kabataan, makakapagsilbi po itong inspirasyon sa kanila na huwag po nating hayaan yung mga taong ganoon sa atin.

“Kumbaga, ipaglaban po natin ang karapatan natin.”

Huling tanong kay Ruru, may mga naging "buwaya" na ba sa buhay niya?

Natatawang sabi niya, “May mga buwaya ba 'ko sa buhay ko? Well, of course.

"Maituturing kong mga buwaya sa buhay ko yung mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Iyan kasi ang mga tipong kailangan kong paglabanan para magtagumpay ako.

“Sabi nga nila, it’s not the destination, it’s the journey. Kahit na gaano pa kahirap ang pinagdaanan mo, kung hindi mo nanamnamin yun, parang wala rin kahit makarating ka sa dulo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Lolong ay mapapanood na sa GMA Telebabad simula ngayong Lunes, July 4, mula sa GMA News and Public Affairs.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In hindsight, Kapuso actor Ruru Madrid realizes that all the hardships and struggles that he went through during the course of all pre-production preparations for his breakthrough GMA-7 fantaserye, Lolong, were all worth it. He says, "Worth it lahat ng pagsubok."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results