Watch Now

Ruru Madrid recalls tracking down Bianca Umali's bashers with help of NBI

by Rachelle Siazon
Jun 25, 2022
Ruru Madrid, Bianca Umali
Ruru Madrid on defending Bianca Umali from bashers: "Sabi ko, bakit ganito yung mga tao ngayon? Bakit ganito kayo mag-isip? Babae iyan, o. Bakit binabastos niyo? Sobrang sama talaga, as in pikon na pikon ako dun sa nag-comment na yun."
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram

Inamin ni Ruru Madrid, 24, sa PEP Live! na umabot sa puntong pina-trace niya ang malisyosong bashers na tumirada sa rumored girlfriend niyang si Bianca Umali, 22.

Hindi raw niya kinaya ang insidenteng pambabastos ng bashers sa dalaga noong July 2020.

READ: Ruru Madrid defends girlfriend Bianca Umali from bashers

"Yung issue na in-edit yung photo ni Bianca na sobrang payat siya, ta's kung anu-ano sinasabi ng mga tao...

"Sorry for the ano, like, ang pangit-pangit talaga ng sinasabi ng mga tao. 'Inaraw-araw' daw.

"Sobrang sama talaga, as in pikon na pikon ako dun sa nag-comment na yun," balik-tanaw ni Ruru.

Sa asar ni Ruru ay nagsumbong siya sa kakilalang taga-National Bureau of Investigation (NBI) kunsaan may mga eksperto pagdating sa cyber crime.

"Pikon na pikon ako, e. Umabot sa point na sa sobrang sama ng mga sinasabi nila, meron akong tito na taga-NBI na na-trace niya kung sino yung mga nagsasabi nun," pagsisiwalat ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 21, 2022, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa guest appearance niya sa PEP Live! para sa upcoming series na Lolong.

READ: Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline

RURU TO BASHERS: "BAKIT BINABASTOS NIYO?"

Hindi raw niya lubos maisip kung paano nasisikmura ng netizens ang mambastos ng kapwa.

"Sabi ko, bakit ganito yung mga tao ngayon? Bakit ganito kayo mag-isip? Babae iyan, o. Bakit binabastos niyo?

"So sa akin, okay lang na ako, okay lang na ako yung i-bash niyo, okay lang na ako yung pagsabihan niyo ng kung anu-ano.

"Pero yung taong malapit sa akin, lalo na babae pa, naku, di ko kayang tiisin yun.

"As in kapatid ko iyan, o nanay ko iyan, o kaibigan kong babae, ipagtatanggol ko iyan."

ON LETTING GO OF HIS ANGER

Pero sa kabila ng inis niya noon, sa huli ay pinili ni Ruru na huwag nang idemanda ang natukoy ng NBI na bashers ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To be honest, puwede ko sila idemanda sa mga sinasabi nila dahil sobrang foul talaga.

"Pero mas pinili ko na hindi kasi for sure kaya nila nasabi yun baka nakisakay lang sila sa comment, or wala lang sila magawa lalo na pandemya nung mga panahon na yun.

"So, inintindi ko na lang din."

Sa huli, pinaalala ni Ruru na maging responsable ang netizens pagdating sa paggamit ng social media.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on defending Bianca Umali from bashers: "Sabi ko, bakit ganito yung mga tao ngayon? Bakit ganito kayo mag-isip? Babae iyan, o. Bakit binabastos niyo? Sobrang sama talaga, as in pikon na pikon ako dun sa nag-comment na yun."
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results