Matapos ang dalawang taong pamamahinga sa showbiz, mukhang nakatakda nang bumalik sa pag-arte ang Kapamilya actor na si Enrique Gil.
Noong July 14, 2022, ibinahagi ni ABS-CBN Films head Kriz Gazmen sa Twitter ang larawan ni Enrique, kasama ang ilan pang executives ng Kapamilya network.
Kabilang sa kanila sina Star Magic head Lauren Dyogi, na siya ring kasalukuyang namumuno sa TV production ng ABS-CBN, at Star Cinema Advertising and Promotions head Mico del Rosario.
Caption ni Kriz (published as is): "So excited!!! Look who's back #ItsAboutDamnTime."
Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapanood ang huling acting project ni Enrique sa ABS-CBN, ang Make It With You na nakansela dahil sa pagsisimula ng COVID-19 pandemic noong 2020.
Kaperaha niya rito ang kanyang girlfriend na si Liza Soberano, na kamakailan lang ay pumirma sa Careless Music bilang bago niyang management agency.
Wala pa mang inilalabas na buong detalye si Enrique tungkol sa comeback niya ay bumuhos na ang suporta at pananabik ng kanyang mga tagasuporta.
Inaabangan din ng mga ito kung muli raw bang magtatambal sina Enrique at Liza a.k.a LizQuen.
Narito ang ilang komento:




