PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador turns emotional for being part of Eat Bulaga

"From bata na nakikinood lang sa kapitbahay and now nandito, binigyan ng segment."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 21, 2022
Maja Salvador
Maja Salvador: "Kasi nga po, totoo na noong ni-launch ako, from bata na nakikinood lang sa kapitbahay, fan ng Little Miss Philippines—and now nandito, binigyan ng segment. Grabe yung love and support na ibinibigay."
PHOTO/S: Screengrab @EatBulaga Youtube

Hindi napigilan ni Maja Salvador ang kanyang emosyon sa episode ng noontime show na Eat Bulaga! noong July 18, 2022.

Ito’y habang nagde-deliver sila ng spiels sa pinakabagong segment na "Bida Next," ang talent search para sa susunod na host ng show.

Read: Maja Salvador debuts on Eat Bulaga!; recalls being an avid viewer as a child

Kasama ni Maja ang kanyang mga co-host na sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Ryzza Mae Dizon, kung saan sa una ay pinag-uusapan nila kung paano binago ng longest-running noontime show ang kanilang mga buhay.

Bigla na lamang nagtago si Maja sa likod ni Allan K. nang matutukan ng camera dahil hindi na niya mapigilan ang pagluha.

Agad namang napansin ng kanyang mga co-host ang pagiging emosyonal niya at tinanong kung bakit siya naiiyak.

Ayon kay Maja, masaya lamang siya sa pagtanggap at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkahalong saya at emosyonal na pahayag niya: “Sorry po, siguro sobrang overwhelmed lang ako last Saturday sa ['Dancing Kween' grand finals] segment na ibinigay ng EB.

“And now, pine-present niyo ako na one of the Dabarkads, so parang nagsi-sink in bigla.”

Pabiro namang sabi ni Jose na hindi na bagong host ang kanilang hahanapin kundi bago nang iyakin.

Kuwento ni Allan K, noon pa man ay pangarap na ni Maja maging miyembro ng Eat Bulaga.

Aniya, “Kung hindi niyo kasi alam, pangarap ni Maja talaga ito na natupad, kaya ngayon emotional siya.”

Agad naman itong sinang-ayunan ni Maja. Ikinuwento niyang nakikinood lang siya noon sa kapitbahay ng Eat Bulaga! at hindi niya akalaing magiging bahagi siya nito.

Saad niya, “Kasi nga po, totoo na noong ni-launch ako, from bata na nakikinood lang sa kapitbahay, fan ng Little Miss Philippines—and now nandito, binigyan ng segment.

“Grabe yung love and support na ibinibigay. Tapos itong may segment pa ng Bida Next, parang parte ng Dabarkads talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Kaya ang emotional, pasensiya na po.”

Oktubre 2, 2021 nang ipakilala si Maja bilang bagong co-host ng Eat Bulaga.

Nitong Sabado, July 16, 2022, natapos ang pinangunahan niyang segment na "Dancing Kween."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador: "Kasi nga po, totoo na noong ni-launch ako, from bata na nakikinood lang sa kapitbahay, fan ng Little Miss Philippines—and now nandito, binigyan ng segment. Grabe yung love and support na ibinibigay."
PHOTO/S: Screengrab @EatBulaga Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results