Hindi inasahan ni Awra Briguela na marami rin ang naka-miss sa kanyang karakter sa FPJ's Ang Probinsyano sa pagtatapos nito.
Umere ang finale episode ng Ang Probinsyano noong August 12, 2022, Biyernes, matapos ang halos pitong taon nitong pamamayagpag sa prime time.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 13, 2022, bago siya mag-perform sa TikTok Awards Philippines 2022, ibinahagi ni Awra kung gaano siya ka-proud maging bahagi ng isa longest-running teleserye ng Kapamilya network.
Aniya, "My first ever acting career, dun nag-start!"
Dagdag pa nito, "Ako naman, sobrang happy ko kasi, finally, yung seven years nila naging successful, sobra.
"Yung hard work naming lahat, nagbunga. Sobrang ganda ng finale, e, and sobrang taas ng ratings din."
Read: Finale episode ng Ang Probinsyano, kinabog ang Lolong sa ratings
Pumasok si Awra sa FPJ's Ang Probinsyano noong April 2016 at gumanap siya bilang MakMak. Ngunit, um-exit siya sa nasabing Kapamilya series noong March 2019 matapos ang mahigit dalawang taon.
Kahit ilang taon nang wala si Awra sa nasabing show, may ilan pa ring naghahanap sa kanya dito.
Sabi niya, "Yung masasabi ko sa ending, na-trending siya 'tapos hinahanap ako ng mga tao. Like, nakalimutan nilang namatay na [yung character ko] dun."
GRATEFUL TO COCO MARTIN
Forever grateful si Awra sa FPJ's Ang Probinsyano dahil ang programang ito rin ang humubog sa kanya bilang isang artista.
Aniya, "Actually, yung attitude ko sa work ngayon or, like, kung ano yung ugali ko ngayon sa work, lahat yun nanggaling sa Probinsyano.
"Yung pagiging professional, yung pagiging hindi nale-late.
"'Tapos lahat ng kung anong natutunan ko ngayon, lahat ng kung anong meron ako ngayon, lahat yun natutunan ko sa Probinsyano."
At siyempre, malaki rin ang pasasalamat ni Awra sa kanyang mentor na si Coco Martin.
"Si Kuya Coco, sobrang dami niyang naitulong sa akin, especially on my acting.
"Never akong nag-acting workshop so si Kuya Coco ang nag-handle sa akin.
"Para ko siyang kuya, co-actor, mentor... lahat, siya lahat.
"And then, nung time na nag-aaral ako, never ako nag-stop, pinag-aral rin ako ni Kuya Coco ng two years nung nasa Probinsyano ako.
"Natulungan niya ako in my career and also in my personal life."
ABS-CBN AND TV5'S PARTNERSHIP
Malungkot man sa pagtatapos ng FPJ's Ang Probinsyano, masaya naman si Awra sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5.
Noong August 10, 2022, nilagdaan ng dalawang panig ang kasunduan na makakakuha ang ABS-CBN ng 34.99 percent shares ng TV5.
Ani Awra, "Sobrang happy kasi for the longest time, parang ano, e, hindi maiwasan yung compare, yung rivalry. Pero ngayon, together, iisa na. So, sobrang happy ko."
Dagdag pa nito, "Since then kasi, kahit saang network talaga ako. And now, I'm so happy, kasi kahit saang network ako kasi they're together na.
"And mas malawak na yung pamilya namin."
Kabilang si Awra sa main cast ng Kapamilya musical na Lyric and Beat na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Kasama rin si Awra sa TV5 "movie-serye" na Suntok Sa Buwan na pinagbibidahan naman nina Aga Muhlach, Elijah Canlas, at Maris Racal.
Bukod sa mga ito, marami pang ibang proyekto si Awra na dapat abangan.
Aniya, "Marami po tayong lock-in shooting so marami po kayong aabangan!"
READ MORE:
